Annette Gozon, nagsalita sa kontrata ni Vic Sotto sa GMA

Annette Gozon

MANILA, Philippines — Hindi totoong lalayas na sa GMA 7 si Vic Sotto.

Mismong si Ms. Annette Gozon-Valdez, GMA Films / GMA Worldwide, and SVP for GMA Network, ang nag-confirm tungkol dito.

“Kaka-renew lang nila and ok na ok naman ang show nila sa amin,” umpisa ni Ms. Annette nang maka-lunch namin siya kahapon with Ms. Tracy Garcia.

One season ang bagong contract ni Bossing Vic. Na ganun naman daw kasi usually, per season.

Aware si Ms. Annette na may ganung kontrobersya - na aalis na si Vic sa GMA at diumano ay mapapanood na sa TV5.

“Yup, naririnig ko, nababasa ko. Freelance naman siya at napapanood sa ibang channel,” sa tanong kung ba’t may ganung intriga.

“Maganda ang relationship namin kay Vic. Ang tagal na naming magka-trabaho, 28 years na ‘yun,” dagdag pa ni Ms. Annette.

Show comments