Napapanood na ngayon sa Netflix ang Replacing Chef Chico na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Sam Milby at Alessandra de Rossi. Isang malaking karangalan para kay Piolo na maging bahagi ng naturang Netflix series. “Definitely it’s a privilege to be part of this series and working with direk Antoinette (Jadaone) and direk Dan (Villegas) was such a breeze. It’s a nice series to be proud of. What’s nice about this series is you get to really feel our culture, our dishes and working with these actors and the brains behind it,” nakangiting pahayag ni Piolo.
Matatandaang nakaganap na rin bilang isang chef ang aktor sa pelikulang Starting Over Again noong 2014. Ngayon ay si Piolo naman ang nagmamando sa mga chef kaya hindi na kinailangang mag-training bago gawin ang naturang serye. “I didn’t go through that training. I love to cook. But for me, the discipline comes in when I really savor my food. I take my time to eat it and appreciate it,” pagbabahagi niya.
Sobrang na-enjoy ni Piolo ang mga pagkaing niluto para sa kanilang serye. Paborito umano ng Ultimate Heartthrob ang Laing na kilalang specialty ng Bicol. “I love how it’s cooked and the way it was prepared sa show made me want to eat laing. I really love chicken adobo. Especially when you’re abroad, parang you crave for that. Comfort food eh, anytime, any day, you can eat it,” pagtatapos ng aktor.
Nina, naibahan sa benefit concert
Hindi nagdalawang-isip si Nina nang maimbitahan upang maging bahagi ng YuleStars A Christmas Series. Ang kikitain ng naturang concert ay ipagkakaloob para sa miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. partikular na sa mga pamilyang naulila o napinsala dahil sa pakikilaglaban. “To be able to share our talent and music for a good cause, isa na pong karanglan na in our own little way, ang laging makagawa ng gano’ng concert and what we can give to the people. Para kahit paano matuwa naman sila sa mga paghihirapan na ginawa nila,” paglalahad ni Nina.
Naniniwala ang Soul Siren na maraming mga kababayan natin ang matutulungan dahil sa gagawing charity concert. “’Yon ang pinakaimportante for me. As an artist naman, gusto rin naman to share our music and magkaroon ng cause. Kakanta kami na merong mapupuntahang maganda ‘yung aming talent. So bakit hindi?” giit ng singer.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ni Nina si Ogie Alcasid sa isang concert. Gaganapin ang YuleStars A Christmas Concert Series sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati. Sina Joey Generoso at Angeline Quinto ang magtatanghal sa Nov. 30, Jose Mari Chan, Christian Bautista at Roselle Nava sa Dec. 1, at sina Ogie at Nina naman ang magtatanghal sa Dec. 2. Magiging special guest din si Ice Seguerra sa Nov. 30 and Dec. 2. “What makes this series different from all the shows na ginagawa ko is that the combination of artists that were put together on one stage. Si kuya Ogie first time ko makakasama. Si Joey first time makakasama si Angeline. Excited ako for myself, for the show kasi nga kakaiba talaga siya. What more ‘yung songs na kakantahin namin sa show,” pagtatapos ng Soul Siren.
(Reports from JCC)