^

PSN Showbiz

KC, ipinakita ang never-before-seen footage ng Asian...

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasa bansa ang cast ng Asian Persuasion para sa Nov. 29 showing ng nasabing pelikula. Dumating sina Dante Basco, Kevin Kreider,  Geneva Carr, at Paolo Montalban para i-promote ang kanilang pelikula na kung saan, kasama sa cast si KC Concepcion.

This Monday, makikita sila sa premiere night ng movie sa SM Megamall, bukas nasa Greenbelt sila at lilipad sila sa Cebu City, at Iloilo City. Hanggang Dec. 6 ang Meet and Greet nila with the moviegoers kahit showing na ang movie.

Nakasulat sa Facebook account ng Asian Persuasion, “Paolo Montalban has not been back in 20 years while Geneva Carr is visiting the Philippines for the first time.” Nauna nang dumating sa bansa sina Dante at Kevin, kaya naunang nakagala sa bansa.

Nasa vlog ni KC ang American movie experience niya at never-before-seen footage ng shooting niya for Asian Persuasion. Sabi nito, “Living alone in New York last year to film a SAG-AFTRA Hollywood indie easily became one of the highlights of my life as an actor. Here’s @asianpersuasionfilm as I play the role of Avery. Maghanda kayo English to! Haha Rated PG.”

Matutuwa ang fans niya kung dadalo sa premiere night ng movie niya ang dad niyang si Gabby Concepcion pati na ang mom niyang si Sharon Cuneta.

Carmina, may pahaging sa split ng Mavline?!

Sunud-sunod ang cryptic post ni Kyline Alcantara sa Instagram, kasunod ng post niyang “Time to start anew” ang caption niya sa latest photo post na “Make your future self proud.”

May nag-react at nag-comment ng “Pa victim lagi” at hindi na siya ang sumagot, ang fans na niya.

Tanong ng fans niya sa nag-comment na pa-victim si Kyline kung sa anong paraan naging pa-victim ito. Ito na nga raw ang nasaktan, siya pang tatawaging pa-victim. May sumagot naman na si Mavy Legaspi ang pinuntirya, ayusin daw nito ang buhay niya, whatever that means.

Hindi makapag-comment ang fans nila sa IG ni Mavy dahil limited lang ang puwedeng makapag-comment. Mga kaibigan at kakilala lang nito ang nakakapag-comment na maganda na rin para iwas bashing.

Third party sa side ni Mavy ang sinasabing rason ng breakup daw nila na malabo pa rin dahil wala pa ngang nababanggit na pangalan. Puro haka-haka pa lang, kaya lang, hindi naman ito kukumpirmahin nina Mavy at Kyline, kaya mananatili siyang haka-haka.

Pero, ano kaya ang ibig sabihin ng cryptic post ni Carmina Villarroel sa kanyang IG story na “Mom knows best?” Nagtatanong ang MavLine fans kung saan patungkol ang post na ito ng mom ni Mavy.

Serye nina Gabby at Marian, kinalituhan ang title?!

Napalitan na ang title ng primetime series nina Gabby Concepcion at Marian Rivera dahil sa halip na Against All Odds, nagging My Guardian Angel na ang title ng series. Wala naman sigurong isyu kay Gabby na si Marian ang nasa title role dahil wala naman kaming narinig na reklamo sa kampo ng aktor.

May mga nag-comment lang na parang nakalilito ang napiling title ng GMA 7 dahil aakalain na si Angel Guardian ang tinutukoy. May nag-comment pang parang si Angel Locsin ang nasa title.

Si Zig Dulay ang director ng My Guardian Angel na sa 2024 ang airing o magla-landing sa telebabad ng GMA. Alien kasi ang magiging role ni Marian kaya mas bagay ang bagong title kesa unang naisip na title.

Kabilang sa kasama sa cast sina Gabby Eigenmann at Max Collins na sa isang interview, nabanggit na pumayag siyang magkontrabida dahil kay Marian. Matagal na raw niya itong gustong makasama kaya nang dumating ang offer para sa My Guardia Angel, hindi na niya pinalampas.

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with