Jamie, gustong gawing instrumento ang mga kanta

Jaime
STAR/ File

c

Para sa singer ay talagang makatutulong ang inspirational songs sa bawat makakapakinig nito. “My ultimate goal is for the songs to be instruments. So, a lot of people would be blessed by the song. ‘Yon ang ultimate goal ko talaga, hindi awards. ‘Yung mga awards ay secondary na lang ‘yan. ‘Yung mga gold (record award), ‘yung kumita siya ay secondary na ‘yan,” pagbabahagi ni Jamie.

Mayroong ginawang kanta ang Inspirational Diva para sa mga batang sina Imogen Cantong at Fabio Santos.

Nagkaroon din ng kolaborasyon sina Jamie, KD Estrada, Jed Madela at Francine Diaz para sa kantang Faith, Hope and Love. “’Yung first song namin nina Fabio at Imogen na 3-in-1, ang gusto roon kaya ko ginawa ang song is for the children to know more about the Holy Trinity. God the Father, God the Son and God the Holy Spirit. ‘Yon ang unang-una kong goal. Secondly, ito namang Faith, Hope and Love, ito ay to generate faith para mas maraming tao ang maniwala sa Panginoon at magkaroon ng hope at in turn ay magkaroon ng pagmamahal sa kapwa. ‘Yon ang ulitimate goal ng Inspire label,” pagdedetalye ng OPM icon.

Maraming mga kanta na ang nagawa ng Inspire Music. Bukod sa 3-in-1 at Faith, Hope and Love ay nakapag-record na ang singer-songwriter na si Angela Ken para sa kantang Pansinin Mo Naman Ako. Nagkaroon din ng revival para sa kantang Pansinin Mo Naman Ako ni Gloc-9 ang baguhang singer na si Fana.

Dolly, weird ang feeling sa mga katrabahong Hollywood actress

Masayang-masaya si Dolly de Leon dahil nagtuluy-tuloy na ang paggawa ng iba’t ibang international projects. Matatandaang naging nominated ang magaling na aktres sa Golden Globe awards para sa natatanging pagganap sa pelikulang Triangle of Sadness noong January. Ngayon ay si Nicole Kidman naman ang makakatrabaho ni Dolly para sa 2nd season ng seryeng Nine Perfect Strangers. “I’m so happy, I’m excited and thrilled. I don’t think it’s just happening to me. It’s happening to all of us. Kasi parang ito na ‘yung chance natin to be in the world. Sobra akong excited, it’s Nicole Kidman,” nakangiting pahayag ni Dolly.

Halos hindi makapaniwala si Dolly na mabibigyan siya ng pagkakataon na makaeksena ang isa sa mga tinitingalang Hollywood actress.  “Ang weird lang ng feeling. You are just watching someone’s work tapos biglang kaeksena mo na sila nang ganito kalapit. Parang ‘Woooah!’ ang wild no’n,” dagdag ng premyadong aktres.

Kabilang din si Dolly sa pelikulang Between the Temples kasama sina Jason Schwartzman at Carol Kane. Nakatrabaho rin ng magaling na aktres sina John Cena, Awkwafina at Simu Liu sa American action-comedy film na Grand Death Lotto. (Reports from JCC)                                                                                                                                                                     

Show comments