Bago pa man sumalang sa mga online shows si Jigo Postolero, nagpaikot-ikot muna s’ya sa sari-saring trabaho. (ayaw ni Sarah G ng ikot-ikot lang!)
“Lahat ng klase ng work napagdaanan ko na. Ahente ng kung ano-ano. Nakapag-work din ako sa mga mall bilang taga tupi ng damit. Pero pinakamatagal ako sa bpo industry bago ako nag-resign at sumugal sa pag-vvlog sa facebook. Doon ako na-discover bilang online talent,” pagbabahagi ni Jigo. (feeling ko naging dancer din s’ya sa bar!)
2019 nang mabigyan s’ya sa online ng programang Talik Talk kung saan nag-i-interview s’ya ng mga taong willing humanash sa naughty discussion. Ito ang nagbukas ng pinto para naman mabigyan s’ya ng show na Jigo, Live! kung saan mas malawak na ang mga topic na pinag-uusapan. (at least hindi naging Talik, Live!)
“2020 ‘yun. Pandemic s’ya nag-start aksidente lang, kasi ‘yung show ko sexy show then nung pandemic ako lang ‘yung available na pumupunta ng studio. Tapos ako pinag-main anchor bigla ng special coverage tapos na-interview ko si Mayor Goma. Nakita ng management na kaya ko pala mag-interview. Binigyan ako ng Jigo Live.” Pag-alala ni Jigo. (kaya rin daw kumain ng buhay na baboy at manok ha!)
Hindi nagtagal, nadagdagan pa ang show ng 33 anyos na graduate ng AB Mass Communication sa Trinity University of Asia.
Ginawa siyang News Anchor ng “P! Ang Kwentong Politiko” : “It pumps up my blood talaga kasi eto talaga ‘yung isa sa mga Dream Job ko ‘yung maging Legit News Anchor bilang Masscom Grad ako. So, goal ko talaga s’ya. (goal daw n’ya mag-pump!)
Hindi pa natatapos ang raket ni Jigo dahil pati ang pag-arte sa mga online series ng TBON productions, kinakarir n’ya: “Naging guest ko sa show ko ‘yung may ari, si Direk Mike Nerpiol.
Tapos hiniritan ko na sali ako.Tapos nakilala ko si sir Miji Manuel. Sinabak ako and the rest is history. I’m enjoying doing tbon maliban sa swak s’ya sa oras ko, natuloy ‘yung naudlot kong pangarap. I was once a child actor kasi during the 90s. Child actor ha, not child star. Hahaha! Naging manager ko pa noon si Tita Becky Aguila at naging regular ako sa PenPen de Sa-rapen.” (ako dati kong pinangarap maging ST star!)
Banat kung banat ang motto sa buhay nitong si Jigo.” If you look at it parang ang hirap kasi iba-iba ang atake sa bawat role or Job.
Siguro nagkataon lang na love ko pareho ang pag-arte at pagbabalita then pagho-host kaya para sa’kin kaya ko.
Ang challenge lang d’yan is kung paano ko pa gagalingan eve-ry performance, every single day.” Pagbibida ni Jigo. (dinaig resistensya ng mga AI!)
Umaasa s’yang magtuloy-tuloy ang blessings at matupad n’ya ang kanyang mga dream projects: ”Sa media ‘yung magkaroon sana ako ng public service show na maraming matutulungan parang Bitag ni Sir Ben Tulfo pero gusto ko mala Sir Julius Babao ang peg ko. ‘yung ‘di ko need ng body guard pero I’m helping a lot.
Sa entertainment naman siguro action na magiging lead ako. Kung hindi naman lead, kahit maka-work ko lang ang idol ko na si Richard Gutierrez. Hahaha!” (itanong natin kina Sarah Lahbati at Tita Annabel Rama!)
(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.
FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )