Binura na ni Jake Ejercito ang post sa X (dating Twitter) na teaser ng local adaptation ng Korean drama series na What’s Wrong With Secretary Kim na nauna nang napabalitang pagbibidahan nila ni Kim Chiu.
Confirmed na sina Kim and Paulo Avelino ang magbibida rito.
Video ang nasabing post ni Jake na parang teaser.
Wala pang update kung makakasama pa si Jake sa series o bibigyan na lang siya ng ibang programa.
Well, mas may kilig din naman kasi sina Kim and Paulo.
Samantala, 12 years old na pala ang daughter ni Jake and Andi Eigenmann na si Ellie.
Post ni Jake : “To the best part of my days, the best 12 years of my life, and to the best source of haynako conversation-enders— have an awesome bday, my love! Daddy loves you always x.”