Inihayag na ng GMA 7 kahapon ang bagong drama series na sisimulan nila.
The biggest historical drama ang sinasabi sa teaser na tatampukan daw nina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco at Sanya Lopez.
Nung huling nakatsikahan namin si Sanya, sinabi na niya sa aming kaabang-abang ang susunod na malaking drama series na gagawin niya.
Hindi pa raw niya masabi kung ano ito, pero excited daw siya at napatango siya nang tinanong ko kung collaboration ba ito sa isang malaking production company.
Inilunsad na ito sa 24 Oras kagabi at exciting nga dahil forte naman talaga ng GMA ang mga ganitong klaseng drama series.
Noon pa man ay marami na ang nagsasabing dapat na magsama sa isang magandang project sina Alden at Barbie. Bagay sila at pareho silang magaling.
Samantala, naintriga kami nang in-announce ng Kapamilya channel ang gagawin nila sa Viu na Pinoy adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Ang una kasing napabalita ay si Jake Ejercito ang makakasama dito ni Kim.
Pero biglang naging si Paulo na.
Ano kaya ang nangyari?
wala pang hina-harvest
na egg…
Ara, minamadali na ang pagbubuntis sa 2024!
Impressive ang mga bagong mukhang inilunsad ng Net 25 na bahagi ng kanilang talent management arm na Star Center Artists.
Ilan sa kanila ay kinuha para sa bagong online show ng Glitter channel ni direk Perry Escano.
Simula Dec. 3 ng 4 ng hapon nga ay isang bagong showbiz-oriented talk show ang mapapanood sa Glitter Channel Facebook at YouTube channel.
Pinamagatang Glitter Entertainment Chatter Show na ihu-host ni Aya Fernandez.
Sa nakaraang mediacon, ipinakilala ang makakasama ni Aya na mga Starkada ng Net 25’s Star Center Artists na sina Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, Celyn David, Miyuki de Leon, Via Lorica at Bo Bautista.
Special guest artist nila sa pilot episode nito ay si Ara Mina na bentang-benta rin sa mga showbiz-oriented talk show. At kasama rin si Ms. Aster Amoyo.
Medyo emotional si Ara sa presscon nito nang nabanggit ang namayapang showbiz journalist na si Leo Bukas na sobrang malapit sa kanya.
Bukod sa programa ni Ara sa Net 25 na Magandang Araw, may sitcom din siyang Jack en Jill sa TV5, at may gagawin din daw siyang drama series para sa TV5.
Ang isa pang naka-line up sa kanya para sa taong 2024 ay ang concert niya. Pero gagawin daw niya ito sa first quarter ng taon dahil ang target daw niya sa susunod na taon ay magka-baby na sila ng asawa niyang si Dave Almarinez.
Puwede naman daw siyang mag-work kahit buntis siya, basta kailangang magka-baby na raw siya sa 2024.
Sa huling checkup daw niya ay sinabi naman daw ng OB-Gyne niya na okay siya at puwede pa talaga siyang magka-baby.
Pero kung sakali, open ba ang aktres na mag-Invitro Fertilization kung sakaling mahirapan siyang magbuntis?
Okay rin ba siya sa ideyang surrogacy, kagaya ng ginagawa ng iba? “Surrogacy, I’m not sure, but IVF, I think,” pakli ni Ara.
Hindi pa naman daw siya nagpa-store ng eggs niya para gawing embryo, dahil feeling niya kaya pa niyang magbuntis.