^

PSN Showbiz

Angelica, namatay ang mga buto sa balakang!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica, namatay ang mga buto sa balakang!
Angelica Panganiban

“I have a Avascular Necrosis,” ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa  https://www.hopkinsmedicine.org/ “Avascular necrosis is a disease that results from the temporary or permanent loss of blood supply to the bone. When blood supply is cut off, the bone tissue dies and the bone collapses. If avascular necrosis happens near a joint, the joint surface may collapse.”

Kaya grabe pala ang pinagdaanang sakit ng actress sa hips na nag-umpisa nung nagbuntis siya - nasa ika-6th month ng kanyang pregnancy.

Hanggang nagtanung-tanong siya tungkol dito na ang sabi ay part ‘yun ng kanyang pagbubuntis hanggang nawalan siya ng time na maramdaman ‘yung  sakit.

Hanggang nakapanganak siya pero sumasakit pa rin.

At tumindi ito nung sinubukan niyang mag-workout na akala naman niya ay kulang sa stretching.

Hanggang nagbakas­yon daw sila sa Palawan ng mga kaibigan niya, nila Glaiza de Castro, at umatake ang matinding sakit at hindi siya nakalakad.

Nasa boat lang daw siya at everytime na bubuhatin niya ang anak, si Bean, sumasakit ang area ng hips niya.

Kaya pagkagaling daw doon ay dumiretso na sila sa hospital at nagpa-ultrasound.

May nakita raw na may liquid sa may singit at doon siya na-advice na mag-therapy. Hindi siya pwedeng uminom ng mga gamot dahil nagpapa-dede pa siya. At tyinaga niya ang therapy for two months at nakatulong daw pero sumakit ulit.

“Nagkaroon ng isang time na hindi na ako makalakad, sobra akong in pain, iyak ako nang iyak. Dinala ako ni Greg sa Asian Hospital sa ortho doctor. Doon in-injection-an ako ng PRP (Platelet-Rich Plasma) ito ‘yung plasma, ito ‘yung blood na kinuha sa atin, tapos may ginagawa sila.... like ilalagay nila sa machine. Tapos magiging ano na siya, tinatawag nila yata, kung ‘di ako nagkakamali ay stem cell na siya. So ito ang ginawang gamot, nirekta siya sa nerves ko dito sa hips left and right,” pagbabalik tanaw nito.

Hanggang nakatulong ito at bumalik sa dati niyang routine dahil gusto niyang makita ang healthy self.

Hanggang tinuloy niya raw ang workout niya everyday hanggang sumakit ulit at doon na siya nagpa-MRI at nadiskubreng meron siyang Avascular Necrosis.

“So nagpa-RMI ako at lumabas ‘yung result ko na mayroon pala akong avascular necrosis. So avascular necrosis is bone death. Namatay na ‘yung mga bones ko sa aking balakang kaya pala hirap na ako maglakad kaya ‘yung mobility ko ay hindi nasosolusyunan kahit pa anong gawin kong strengthening, so ayun, hindi na siya maso-solusyunan,” pagbabahagi niya habang naka-bed rest.

Sinabi niya rin na ang initial solution ay hip replacement pero nag-desisyon silang bumalik sa PRP treatment. “But this time nag-drill sila ng hole at in-inject nila ‘yung PRP directly doon sa dead bone ko. Masakit ba ang procedure? Hindi ko inakala na masakit siya. Tulo nang tulo ang luha ko, parang kahit paano nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na bakit ako nagkakaganito, bakit ako nagkakaganito, sa akin nangyari ito? Kasi ang cause ng avascular necrosis ay steroid abuse. Kung mapapansin niyo naman never na lumaki ang katawan ko, never akong nagka-muscle sa buong katawan ko.

“So ‘di siya part ng lifestyle ko hindi naman ako athlete, ‘di naman ako body-builder or hindi siya part ng buhay ko lang, hindi para mag-take ako ng steroid. So ano ang cause niya? Wala tinatawag na malas lang talaga at nangyari siya sa akin.

“Ito ako ngayon, nagawa na ‘yung procedure kahapon... nakapag-inject na sila. Nilagyan nila ng plasma para sa ganoon ay magkaroon ng regrowth at mabuhay siya ulit, magkaroon ng blood flow, kaya ngayon, naka-bed rest ako.”

Parang first part daw ng pagbubuntis ang dinadaanan niyang proseso..

“I’m staying positive dahil sabi nila mas madaling makagaling ang mind kaya iniisip ko na magaling na ako. At matapos na ang kalbaryo dahil finally na-pinpoint namin kung ano talaga ang sakit ko. So minsan I just can’t believe na at the age of 37 nagkaroon ako ng bone death, there’s something dead inside me. I am hoping na mabilis din ang recovery ko at hopefully makapagtrabaho na ako next year,” sabi pa niya na nakakatawa na.

Sa huli ay sinabi niyang sa mga nakakaramdam ng physical pain, aniya, dapat ay maging malakas para sa mga taong umaasa sa kanila.

vuukle comment

ACTRESS

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with