Kris nanghihingi rin ng dasal para sa kapatid, nagsalita sa break up ulit nila ni Mark!

Kris Aquino at Pamilya

Walang sagot ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kinumpirma ni Kris Aquino na wala na ulit sila.

May life update nga si Kris kahapon at nabanggit niya na mahirap para sa kanya ang LDR at mas pinili niyang magbawas ng mga nagbibigay sa kanya ng stress.

“A long distance relationship is difficult when undergoing very physically demanding treatments like my methotrexate and my Dupixent. But i got my latest blood panel, apart from my very low hemoglobin, all my autoimmune markers are slowly improving. The truth is that i chose to lessen the stressors in my life and put my wellbeing first… on November 3, 2023, i initiated our breakup. It was a well thought out decision based on choosing to do what’s best for me now. I’m dealing with so much and my love life isn’t a priority,” sabi niya sa post na video ng pagbisita ni Angeline Quinto sa kanya.

Dagdag pa niya : “To protect my family’s privacy, please allow me to not give details about something that’s weighing heavily in our hearts (if you can pray for my sisters too, in the way you’re praying for me, sobra sobra ang pasasalamat ko)…

“Maraming salamat po, against all odds i am slowly getting better and by God’s grace my autoimmune thyroiditis has gone into remission.

“And also because my doctors caught it early enough, my 5th autoimmune, the mixed connective tissue disease which was strongly pointing towards RA (rheumatoid arthritis) or SLE (lupus) in my latest panel seem to not be a present threat.

“From 5, i’m now just battling 3, BUT 1 of them is the main contrabida because it’s life threatening. THANK YOU for your prayers. God really is listening. #grateful,” ang kumpletong post ni Kris.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaction ang pulitiko.

Anyway, sa nasabing post din inamin ni Angeline na naapektuhan ang kanyang boses pagkapanganak kay Sylvio.

Kinantahan nga ni Angeline si Kris ng theme song ng Kris TV kung saan sila naging magkaibigan.

Pagkatapos niya itong kantahin ay kinuwento nga niyang nagka-problema ang boses niya bilang CS nga siya. “Alam mo ‘teh, nun’g nanganak ako, CS (caesarian section) ako ‘teh, eh, so parang ilang buwan akong hirap kumanta, ‘kala ko, hindi na ako makakakanta,” na kahit daw ang pagkanta ng ABC song ay nahirapan siya.

Pero nag-voice lesson daw ulit siya kaya naman bumalik ang boses at ngayon nga ay mas buo pa raw ito.

Show comments