Heart, mas bumata sa bagong make up artist!

Heart Evangelista

Kabogera talaga si Heart Evangelista.

Ang ganda-ganda ng gown niya sa ginanap na Tatler Ball.

Icon na icon.

Kumbaga kahit anong pangongopya ng ibang celebrity na nagma-manifest na makilala sa international fashion scene tulad niya, sadly, hindi sila magtatagumpay.

Milya-milya na ang layo niya, mahirap na si Heart habulin.

Kaya sako-sakong bigas ang kailangan nilang kainin.

Gawa raw ang nasabing gown ng Italian designer na si Giambattista Valli.

At nabasa ko na pitong buwan itong ginawa sa Paris.

Bongga ‘di ba.

Sinong local celeb ang nagsusuot ng haute couture sa ball?

Kaloka.

At saka ang ganda ni Heart ngayon, parang mas bongga ang bagong make up artist niya. Mas fresh at stunning talaga. At sa totoo lang, parang mas bumata siya.

 Flawless ang make up at bagay sa kanya ang short hair.

Go lang Heart. Dedmahin ang mga second rate trying hard copy cut.

Hahahaha.

Show comments