Hindi kumpirmado ang nasagap naming kuwento na hindi na raw tuloy ang Wowowin ni Willie Revillame sa PTV 4 at pati sa IBC 13.
Wala kaming way na makumpirma ito kay Willie, pero sinabi na raw niya ito sa ilang kaibigan.
Kahit sa ilang executives ng PTV 4 ay wala na rin kaming nakuhang sagot kung ano na ba ang status ng pagkakaroon ng Wowowin sa dalawang istasyon.
Nung nakaraang September pa namin nakapanayam si Ms. Ana Puod, ang general manager ng PTV 4 at ang naalala namin ay gusto lang daw munang palagpasin ang Ghost month, bago simulan ang pag-arangkada ng Wowowin.
Pero sa ngayon ay wala na kaming nababalitaan.
Ang isa lang sa napagtanungan namin ay baka sa YouTube o Facebook lang daw muna mag-Wowowin si Willie.
Kaya siguro nagsasariling kayod na rin ang Tutok To Win Partylist representative na si Cong. Sam Verzosa, para mapaghandaan ang kung ano man ang plano niya sa 2025 elections.
HIndi naman maitatanggi na kaya nanalo ang partylist na ito ni Cong. Verzosa dahil sa programa at pangangampanya na rin ni Kuya Willie.
Nasilip ko nung Sabado lang, meron palang siyang public service program sa GMA 7 si Cong. Sam Verzosa.
Pinamagatang Dear SV na kung saan nagi-immerse siya sa buhay ng mga mahihirap at binibigyan niya ito ng tulong.
Nung Sabado ng 11:30 ng gabi lang ito nagsimula na kung saan pumasok siya sa bahay ng mga nakatira sa ilalim ng tulay.
Isabel, matindi ang mga pahayag laban sa mga anak ni Azenith!
Hanggang kahapon nang pina-follow up namin ang tungkol sa pagkawala ni Azenith Briones, at binabase lang namin sa mga ipinu-post ni Isabel Rivas sa kanyang Facebook account dahil isa siya sa masigasig at talagang vocal sa nakikita at nalalaman niya sa nangyari ng beteranang aktres.
Niri-repost niya ang ilang FB post ng kaibigan nilang si Paul Macasiano, tungkol sa ibang anak na nakakalaban mismo ang kanilang magulang.
May pinost pa itong Paul Macasiano na, “Azenith Briones kung di ko pala nabigyan ng bodyguard, walang makakaalam na dinukot siya dahil sa mana.”
Obvious kung ano ang tinutukoy niya, pero ang huling ipinost ni Isabel ay ipinagtanggol ang sarili sa sinasabi diumano ng mga anak ni Azenith na fake news daw ang mga pinagsasabi nito.
Bahagi ng ipinost ni Isabel sa kanyang FB account, “Friends: I’ll get straight to the point this time & let truth be told even if our friends are worried to me too, but if we don’t face the truth now, it might be too late for our dear friend.
“Azenith’s children are saying that I’m spreading fake news about the whereabouts of their mother & that she is in a safe place & just going thru problems, they forgot that we are not stupid old women but bonded by decades of friendship & time. We know each other’s problems from top to bottom.
“I won’t waste precious time saying she’s been abducted if it’s not true! Truth is they put her in an institution against her will, she was dragged against her will.
“She was shouting for help but nobody helped, her son was even there witnessing as she was being dragged out of her home to brought to a rehab center.
“She is not ok, she is neither mentally sick as they claim, her only problems were her children who she always cry about as she narrates how disrespectful they are to her, she was suffering silently from so much pain & disrespect. How can she be ok in a rehabilitation center!”
Mahaba pa ang mga ipinost ni Isabel at matindi ang mga pahayag nito laban sa mga anak ni Azenith.
Sinubukan naming hingan ng sagot ang isa sa mga anak ni Azenith, pero as of presstime ay wala pa silang sagot sa ipinadala naming mensahe sa kanyang messenger.