“Pumayag na siya.. not so friendly date with @donna (Donnalyn Bartolome),” post ni JM de Guzman days ago.
Matagal nang sinasabi ni JM na nanliligaw siya kay Donnalyn, one year na raw actually.
“Matagal kong hinintay itong araw na ‘to. Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa date na ‘to simula Mayo 2022 pa lang. Hindi ang sagot niya. Sinubukan ko sa ‘Can’t Say No challenge’ na ginawa namin... ‘Can’t say no’ pero nag-No pa rin siya. Kung pagiging magkaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin, kontento na ako, makasama ko lang siya. Ay hindi. Liligawan ko siya. Niligawan ko siya. Dalaw ako nang dalaw baka sakaling dumating yung araw na pumayag na siya. Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo 2023 - pumayag na siya,” ang kumpletong reel post ng actor.
Nag-umpisa itong kumalat nang mag-organize si Donnalyn ng surprise party for JM last year.
Pero nilinaw niya na ayaw niyang pumatol sa taga-showbiz dahil ‘chaotic.’
Bagama’t iba naman ang sinasabi ni JM na napapawi ang inip niya kapag nakikita ang actress / vlogger. Gusto raw niya ang singer / vlogger dahil caring, sincere at nai-inspire siya.
At pagkatapos nga nitong latest post ni JM ay marami ang nagpahayag na sana ay hindi lang ito for content at ‘wag silang magkasakitan sa totoong buhay.
Baka raw kasi maulit ang naging karanasan nina Donnalyn at JM kung ito ay for content lang.
Samantala, emosyonal na pumirma ng bagong kontrata sina JM kasama si Zaijian Jaranilla sa ABS-CBN kamakailan.
Sa gitna ng kanilang tagumpay sa kani-kanilang mga teleserye ngayon, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sina JM at Zaijian sa bosses ng ABS-CBN at sa fans na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanila.
Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa mga palabas noon tulad ng Mula Sa Puso at Angelito: Ang Batang Ama, patuloy na pinapatunayan ni JM na isa siya sa mga pinaka-mahuhusay na aktor sa kanyang henerasyon.
Maluha-luhang binalikan nito ang ilang taon niya sa industriya at ibinahagi na hindi lamang trabaho ang binigay ng network kung hindi ang kanyang buong life purpose, “Ilang beses na sa buhay ko na akala ko wala akong mapupuntahan, pero palagi akong gina-guide ng ABS-CBN sa tamang daan, at hanggang ngayon I am still here, I’ve found my purpose,” kwento niya.
Nagsimula naman bilang isang childhood wonder sa May Bukas Pa, at ngayon ay isa sa mga inaabangang karakter sa Senior High, patuloy na ipinapakita ni Zaijian ang kanyang talento sa pag-arte sa iba’t ibang mga serye na kanyang ginagawa.
Sa kanyang bagong kontrata sa Kapamilya network, nagpahayag ng pasasalamat si Zaijian sa mga taong nakatrabaho sa likod ng camera, na itinuturing niyang bagong pamilya.
Mapapanood si JM sa Linlang, na available sa Prime Video at si Zaijian sa Senior High na mapapanood tuwing weeknight ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC .