Gerald gustong maging superhero, may perfect word kay Kim
“Basta may magandang mensahe... ah gusto ko sanang gumawa ng superhero project. Something different. Hero siya pero nakakagawa siya ng mali. Para hindi naman laging mabait or humanized ‘yung character,” sagot ni Gerald Anderson kung anong project ang gusto niyang gawin o pwede niyang gawin matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.
Yup, solid Kapamilya pa rin ang aktor matapos ang 17 taon ng pananatili niya sa ABS-CBN sa pagpirma niya ng panibagong kontrata sa Solid Kapamilya: The Gerald Anderson Network Contract Signing event na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater kamakailan.
“Kahit 17 years na akong nagtratrabaho sa ABS-CBN, I think these next few years mas motivated ako. Mas excited and mas passionate to do more projects na makaka-inspire sa mga Pilipino. Alam ko kasi na kapag binigay mo lahat at maganda ang proyekto, I have seen the impact sa mga kapwa Pilipino natin,” ani Gerald.
Sa ngayon, inaayos at pinag-uusapan pa nila ang mga susunod na proyekto niya sa ABS-CBN pero saad niya na gusto niya ulit makagawa ng serye tulad ng mga nakaraan niyang proyekto na A Soldier’s Heart at A Family Affair.
Binanggit din niya na gusto niyang makasama si Richard Gutierrez sa isang programa. “Sabi ko sa kanya, I think dapat na tayo gumawa. Kakatapos lang ng The Iron Heart, gawa tayo ng action-drama,” dagdag niya.
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at handler niyang si Portia Dimla.
Bukod naman sa pagbibigay sa kanya ng magagandang proyektong kanyang pinagbidahan, mahalaga rin sa aktor ang naging tulong sa kanya ng Kapamilya para mamulat siya sa pagtulong sa kapwa niyang Pilipino. “One of the things that inspire me before was ‘yung mga outreach namin sa ABS-CBN. When people see the symbol sa mga shirt at trucks ng ABS-CBN at Sagip Kapamilya, nakikita ko sa kanila na parang si Superman yung dumating. To be part of that even hindi sa work, ipinagpatuloy ko ‘yan because of what I have seen sa mga outreach ko with them. I was inspired and I want to inspire others,” pagbabahagi niya.
Samantala, saludo ang actor sa pagiging hardworker ni Kim Chiu lalo na sa success ng katatapos lang na online series nitong Linlang.
“Nakakatuwa kasi ang naririnig ko ibang Kim ‘yung nakita nila, ibang JM (de Guzman). I’m happy for her because talagang ‘yun ‘yung perfect word for her hardworker talaga ‘yan. Sobrang nakaka-inspire ‘yan.
“Paganun-ganun lang siya sa Showtime but grabe ‘yun, fighter ‘yun, palaban ‘yun. She works really hard. ‘Yung success na meron siya ngayon with this show, she deserves it,” pero ayaw ni Gerald na sumagot kung may chance na magkatrabaho ulit sila ni Kim.
“‘Di ko masasagot ‘yun. ‘Di ko alam. Kailangan natin silang makausap (ang mga executive).”
- Latest