Michelle, pinakita ang kaastigan sa National Costume
May pakpak si Michelle Dee sa kanyang National Costume sa Miss Universe.
Ala-eroplano na para ring ibon.
Aniya sa post : “DESTINATION, #FILIPINAS! Wearing an amazing creation by @barassimichael! Giving justice to a concept that aims to promote tourism to the country WE ARE PROUD TO SHOWCASE TO THE UNIVERSE.
“#CaptainMMD, over and out.”
Astig at nadala niya ng maayos kahit parang super bigat.
Gawa ito ng designer na si Michael Barassi na nagpapakita ng kanyang pagiging Air Force reservist at banggit ng host ay sumasalamin ito sa pagiging “resilient, radiant and ready to embrace the Universe” ng mga Filipino.
Iba’t iba ang komento sa social media.
Meron nagsabi na parang mala-Voltes V ito.
Pero ang bottomline ay harinawa’y mailipad ni Michelle Dee ang ika-limang korona ng bansa sa Miss Universe.
Sa totoo lang, ang ingay-ingay ni Michelle sa social media, lahat ng galaw niya ay naka-post na sana ay makatulong upang siya ay koronahan.
- Latest