Apaw ang confidence...
Sabog sa social media ang preliminary round ng Miss Universe lalo na at solid daw ang performance ng ating panlabang si Michelle Dee.
Kahit ang dating Miss Universe na si Catriona Gray na back stage host ay ganun ang comment sa pinakita ni Michelle. “Such a solid prelims performance! Alam na thisssss”
Lalo na raw sa swimsuit at long gown competition, classy and very elegant itong nailaban ni Michelle.
At pasok din ito Top 10 silver finalists for The Voice For Change advocacy video competition ng Miss U.
Pansin din ang apaw nitong confidence sa kanyang short hair na ibang style naman sa mga nakagawiang style na long hair ng mga kandidata.
Stunner kumbaga lalo na long gown na 30,000 pala ang naka-design na swarovski crystals.
Ayon sa designer ng gown na si Mark Bugarner, tribute ito sa ina ni Michelle na si Melanie Marquez na 1979 Miss International. “Miss Universe Philippines evening gown for the Miss Universe Preliminary Evening Gown Competition is a tribute to a Filipina Icon, Melanie Marquez, her mom, who won Miss International in 1979. This evening gown is encrusted with over 30 thousand different shades of emerald green and black Swarovski crystals. I wanted it to shimmer just like a skin of a green viper; a symbol of wisdom,power, and transformation.
“Cut outs are strategically placed to give it a modern touch, and a cinched waist. A high neckline, power shoulders, and a column silhouette to give it an elegant look,” aniya sa isang post tungkol sa detalye ng nasabing deep green gown.
Masasaksihan ng mga manonood ang laban ni Michelle Marquez Dee para masungkit ang korona bilang Miss Universe dahil ipapalabas ng ABS-CBN ang ika-72 na edisyon ng Miss Universe sa iba’t ibang platforms kabilang ang A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 19 (Linggo) simula 9 AM.
Live ito mapapanood mula sa El Salvador ang kompetisyon kung saan makakalaban ni Michelle ang 89 na mga reyna mula sa iba’t ibang bansa.
Bukod sa inaabangang pagrampa ng mga kalahok sa kanilang swimwear at evening gown, mainit din ang labanan sa makabuluhang sagot sa Q&A portion.
Kanino kaya ipapasa ni 71st Miss Universe R’Bonney Gabriel ng USA ang korona?