^

PSN Showbiz

Darren, pressured!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren, pressured!
Darren Espanto
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagtuluy-tuloy na si Darren Espanto sa pag-arte sa harap ng kamera.

Matatandaang unang sumabak sa pag-arte ang singer sa pelikulang The Hows of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2018.

Nakabilang din si Darren sa iWantTFC series na Lyric and Beat noong isang taon. Ngayon ay muling napapanood ang binata sa Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan naman nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. “Ito po ‘yung first teleserye ko talaga na weekdays siya pinapalabas. I play Stephen Tanhueco in Can’t Buy Me Love and parang best friend ni Caroline (karakter ni Belle),” bungad ni Darren.

Bilang paghahanda para sa bagong serye ay kinailangan daw sumailalim ng binata sa acting workshops.

Ayon kay Darren ay malayo ang karakter niya sa serye kumpara sa kanyang tunay na personalidad. “Nag-workshop kami ni Belle. We did acting workshops kasi masyado akong mabait. ‘Yung role ni Stephen is a bit cold to everyone. But he’s a bit warm to Caroline in terms of personality. ‘Yon ‘yung isang traits ng aking character. But to everyone else, medyo may pagka-masungit. So medyo nahirapan po ako ro’n kasi natural na sa akin ‘yung laging nakangiti eh,” pagbabahagi niya.

Unang nakilala si Darren bilang 1st runner up ng The Voice Kids Philippines kung saan naging grand champion si Lyca Gairanod noong 2014.

Aminado si Darren na nakararamdam ng pressure sa tuwing may ginagawang acting project. “Yeah! There’s definitely more pressure because it’s something that we are always shooting almost on a daily basis. You really have to know your lines, and know your character once you’re on the set. We’re focused every time you’re on set para mas mabilis din ‘yung shoot namin,” pagtatapos ng singer-actor.

Mapapanood din si Darren sa When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Fim Festival 2023 ngayong Kapaskuhan.

Regine, natutuwa kapag hinihingan ng advice

Tatlumpu’t pitong taon nang aktibo sa music industry si Regine Velasquez.

Naging matagumpay ang Asia’s Songbird sa kanyang karera sa mga nakalipas na dekada. Para kay Regine ay masaya sa pakiramdam na nakapagbabahagi ng kanyang karanasan at kaalaman sa mga nakababatang singers. “I’m happy that these young singers, young artists would always come to me ‘pag meron silang hingiin na advice. Natutuwa ako do’n kasi parang nase-share ko sa kanila ‘yung mga experiences ko. Wala naman ‘yung problema sa akin. Feeling ko that’s how it should be. I mean the years that I’ve been singing, paulit-ulit. Those experiences will die with me later on in life di ba. So might as well share it with other kids and hopefully it will make their journey better or a little bit less stressful,” paglalahad ni Regine.

Mayroong mensahe ang singer para sa lahat ng mga nakababatang kasamahan upang magtagal sa industriya. “Sa industriyang ito, all they need to do para sa akin, they just have to show up. Kung ano ang estado ng mind nila, estado ng puso nila, ng boses nila. They just have to keep showing up ‘Yung kasabihan na ‘The show must go on,’ it really has to. Because the audience will not know what’s happening. They don’t really need to know. You just really need to keep showing up. That’s what it is, that’s what we do,” makahulugang pahayag ng Asia’s Songbird. (Reports from JCC)

DARREN ESPANTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with