Mula nang mag-asawa noong 2015 ay pinangarap na ni Yeng Constantino na magkaroon ng sariling beach house. Taong 2019 nang makapagpagawa ng sariling beach house ang singer-songwriter sa Botolan, Zambales. “Bagong kasal pa lang po kami naglilista na ako ng things na pinapangarap ko. Talagang nasa top of my list talaga na magkaroon ng beach house. Kasi feeling ko po dati parang ‘yung ginagastos ng family namin kapag magre-renta kunwari kapag papasok ka ng resort ganyan. Pero kung may sarili kang property, madadala ko ‘yung family ko. Ang laki ng family ko eh. Tapos kapag nagkaanak kami di na namin iisipin na parang kailangan nating pumunta ng iba’t ibang lugar to experience ‘yung rest. May sarili kang bakasyunan. Kaya dream ko po talaga,” kwento ni Yeng sa YouTube channel ni Karen Davila.
Maliit na bahay lamang daw ang unang balak ipatayo ng mag-asawa sa harapan ng beach. Ayon kay Yeng ay lumaki nang lumaki habang ipinapagawa ang kanilang bagong property. “Simple lang ang gusto namin, kahit nga kwadrado eh basta may matutuluyan lang po na bahay. “Ay! Pagawa tayo ng kitchen dito sa baba, palagyan natin ng salamin ‘yung ganito, pwede nating lagyan ng pool,” natatawang kwento ng singer-songwriter.
Para kay Yeng ay sobrang importante na mayroong mga naipupundar habang kumikita pa sa industriyang kanyang ginagalawan.
Aminado ang singer na hindi rin niya alam kung hanggang kailan siyang magiging tanyag o sikat. “Necessary po kasi siya eh lalo na kami mang-aawit. Hindi naman po lahat pinapalad na maging Ms. Regine (Velasquez) o tito Gary (Valenciano) o tito Martin (Nievera). Hindi ko alam kung hanggan kailan, laging gano’n ang mindset ko. So lahat ng kikitain natin sa iba nating negosyo at sa trabaho ko, gagawin natin invest lang tayo nang invest. Hanggang ngayon po nag-a-acquire kami ng mga properties. Hindi naman na lagi kang anxious pero you have to treasure kung ano ‘yung presently nagyi-yield ng income for you. so that in the future you will not be worried,” makahulugang paliwanag ni yeng.
Christian, naranasang maging other man ng flight attendant!
Bida si Christian Bables sa Broken Hearts Trip na isa sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2023. Ayon sa aktor ay high school pa lamang siya noon nang unang maranasang mabigo sa pag-ibig. “Nagpaligaw siya tapos sabi niya bibigyan niya ako ng sagot kapag prom na. Binibitbit ko ‘yung mga gamit niya. Binibilhan ko siya ng bunwich tuwing hapon. Hinahatid ko siya sa kanila. Tapos no’ng prom na, eh di sabi niya sa akin may sagot na daw siya. Sinagot na niya ako ng ‘No.’ Ang tagal niya akong hinayaang gawin ‘yon so hanggang ngayon gamit ko siya sa acting. Kasi nagre-relive ‘yung pain. Maybe because it was my first time to really fall in love,” nakangiting kwento ni Christian.
Pagkalipas ng ilang taon ay isang flight attendant naman ang nakarelasyon ng binata. Sobrang pag-aalaga raw ang naranasan noon ni Christian mula sa dalaga. “As in hindi pa ako artista, ipinaramdam niya sa akin ‘yung totoong meaning ng love. That time ‘yon ang totoong love for me. Inalagaan niya ako parang baby, sugar mommy, parang gano’n. Kasi wala akong trabaho, siya may trabaho. Tapos nando’n ‘yung, ‘Kapag naging artista, bilhin ko sa ‘yo lahat,’ ganito, ganyan. Umabot sa point na hinatid niya ako sa MRT, nag-taxi kaming dalawa. Tapos meron siyang dalang paper bag na merong Ferrero na pa-heart na mga chocolates. Tapos sabi ko, ‘Para saan ito?’ Sabi niya, ‘Last na natin itong pagkikita,’” pagdedetalye ng premyadong aktor.
Talagang ikinagulat daw ni Christian noon ang tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang nakarelasyong flight attendant. Sobrang sakit ang naramdaman ng binata dahil sa mga nangyari. “Inamin niya sa akin, meron siyang boyfriend na hindi niya maiwan. It turns out ako pala ‘yung other man. Boy pa kasi ako at that time. Hindi pa ako man. Sakit no’n, dapat bababa akong Bacoor, umabot ako sa Dasma kakaiyak sa bus. I learned na don’t settle for less. Kapag red flag na, huwag na. Kasi para kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa ulo mo. Para siyang gano’n,” pagbabahagi ng binata. — Reports from JCC