Ang cute ni Tali Sotto sa kanilang trip sa Japan.
Kasama nga sa pinasyalan nila ang Sanrio Puro Land at nakita niya ang favorite character na si Cinnamoroll.
Ang Cinnamoroll pala ang opisyal na maskot ng Cafe Cinnamon na medyo mahiyain, pero napaka-friendly, at kung minsan ay umiidlip sa kandungan ng mga customer pero kaya niyang lumipad sa himpapawid na nilunsad ng Sanrio noong 2001.
Bongga kaya naman pala napakasaya ni Tali.
“In her happy place, Sanrio Puro Land! She was so happy to see Cinnamoroll in person! She was even shouting “i love you” your happiness is my happines, love!” post ng mommy niyang si Pauleen Luna.
Hay naku ang sarap maging bata.
At napakasuwerte ni Tali na ganyan pa lang ang edad niya, natutupad na ang mga pangarap niya.
Nagbakasyon sa Japan sina Vic at Pauleen kasama ang buong pamilya ni Mrs. Sotto.
Bongga.
AOS queens,concert-ready na
Less than one month na lang at magaganap na ang inaabangang Queendom: Live concert ng AOS vocal queens handog ng GMA. Masisilayan na this December 2 sa Newport Performing Arts Theater ang world-class talent nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.
Kitang-kita naman sa performances nila sa AOS every Sunday na concert-ready na sila at handang-handa na silang humarap sa kanilang fans na for sure ay excited na silang mapanood.
Sigurado ring grabeng paghahanda at ensayo na ang kanilang ginagawa para talagang maipakita ang pagiging total performer nila bilang tatak GMA artists.
Bongga.