Mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang Linlang starring Kim Chiu and Paulo Avelino among others dahil sa sunud-sunod na pag-viral ng mga eksena sa serye na umaani ng papuri mula sa mga netizen.
At marami pa raw itong mga pasabog sa mga susunod na episode dahil magsisimula na ang paghihiganti ni Victor (Paulo) kina Juliana (Kim) at Alex (JM De Guzman) na paniguradong kakahumalingan na naman ng mga manonood.
At ito ang dahilan kaya nagkaroon daw ng totohanan ang nararamdaman nina Kim at Paulo.
May ilan ngang nagkukuwentong source, na diumano’y sina Kim at Paulo na nga sa totoong buhay at totoo raw na split na sina Kim and Xian Lim na nag-post pero walang sagot sa maintrigang paghihiwalay nila ni Kim pagkatapos ng maraming taon.
At true rin daw na split na sina Paulo at Janine Gutierrez.
Well, diumano’y pa lang naman toh. Kuwento ng ibang reliable sources.
Totoo naman na nakakagulat ang ginawa niya sa Linlang. Ng mga eksena nila ni Paulo. Todohan. Lalo na sa love scenes na aniya ay hindi naman niya kailangang i-discuss pa kay Xian.
“Ah pagdating sa trabaho wala kaming issue ni Xian. Hands-off kami sa isa’t isa,” nauna nang sinabi ni Kim nang tanungin namin kung may consent ba si Xian dito sabay tingin ni Paulo.
“Siya rin naman gagawa ng mga ganito. Mas dark pa,” sabi pa ni Kim.
“Fasten your seatbelt na po para sa bago kong role,” sey pa ni Kim na pinatunayang magaling siyang actress at hindi kumbaga stagnant sa kanyang career.