Toni at Direk Paul, ‘di nagpapaapekto!

Paul, Toni at mga Anak
STAR/ File

Talagang isa sa pinakamagandang marriage na nakita ko sa showbiz ‘yung kina direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Talagang tahimik at mukhang maligayang-maligaya ang pamilya nila. Kaya naman siguro talagang sinusuwerte sila at lahat ng ginagawa tama at maayos.

Mukha ngang kahit anong trabaho makakayang gawin ni direk Paul dahil napaka-supportive ng misis nito sa lahat ng pasukin niya.

For sure nothing can affect their family dahil contented sila at maayos ang buhay kahit ano pang pang-iintriga ang gawin. Ever since may soft spot sa amin si Toni dahil very polite at ang nanay niyang si Mommy Pinty very sweet. Si direk Paul naman laging bumabati ‘pag nakita namin. Kaya tuwang-tuwa kami na nakikita naming masaya at tahimik ang kanilang pagsasama.

Sana kahit walang forever, beyond forever ang happiness nilang mag-asawa.

Bongga.

Ate Vi, nakaalala ng suman

Talagang kilig naman ako kay Vilma Santos. Nag-text siya para hingin address ko dahil padadalhan niya ako ng suman from Lipa.

Pupunta sila ni Christopher de Leon para i-promote ang movie nila na kasali sa filmfest sa Lipa.

Talagang kikiligin ka na isang Vilma Santos na naalala na gustung-gusto ko ang suman from Lipa na talaga namang napakasarap. Buti na lang at hanggang doon umaabot sila ni Christopher para sa promo ng movie nila na When I Met You in Tokyo. ‘Pag napanood ng lahat sure ako na mag-number 1 sa festival dahil sa ganda ng story na talagang makaka-relate lahat dahil very touching ang love story na ginawa nila kahit trailer pa lang ang napapanood ko.

Talagang special ang movie na ito para gawin ni Vilma na seven years hindi gumawa ng anuman sa showbiz dahil hinarap ang buhay pulitika at hands-on din sa pag-aalaga kay Christian at Cong. Ralph Recto na masasabi naming nice pairing dahil suwerte sila sa isa’t isa.

Soaring high pareho ang kanilang pagsasama kaya sure kang tahimik at contented ang kanilang marriage. Bongga talaga dahil kitang-kita mo na lumalaking very good responsible man si Christian, plus maganda ang relasyon nila ng anak na si Luis Manzano.

Thank you for remembering, forever grateful, Ate Vi.

Show comments