Showing ng movie ‘di tinuloy...
Hindi nasagot ng ilang napagtanungan namin kung bakit hindi natuloy ang showing ng pelikulang 1521: The Quest for Freedom na dapat ay naka-schedule nung Miyerkules, Nov. 8.
Isa si Bea Alonzo sa main cast, pero hindi na siya tumulong sa promo nito, dahil sa mga kontrobersya sa pelikulang ito.
Biglang napalitan ang 1521 ng isang comedy indie film na Nagalit Ang Patay Sa Haba ng Lamay: Da Resbak na pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ali Forbes at marami pa.
May ilang may konek sa mga distributor ang pinagtanungan namin, hindi rin daw nila alam kung bakit hindi natuloy ang showing.
Sa kabila ng kontrobersya hinarap dito sa atin, nanalo pa ito ng award sa Sweden Film Awards for the month of September.
Umatras na raw ang distributor ng pelikulang ito dahil
mahirap daw kausap ang producer.
Hindi rin magandang pang-promo sa pelikulang ‘yung mga isyung pinag-usapan na lalong pinalaki ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.
May ilang nagkomento na parang hindi naman daw nakatulong kay Bea kapag nagsasalita ang manager niya dahil ang tapang ng dating at hindi nakakakuha ng simpatiya para sa aktres.
May nagsabi pa nga sa aming, ganun daw ba dapat tratuhin ng talent manager ang kliyente niya kahit sabihin pang may pagkukulang ang producer?
Pero desisyon ng manager ni Bea ‘yun, at mas alam niya kung ano ang dapat gawin.
Pero ewan ko lang kung ano ang magagawa nito sa showbiz career ni Bea dahil magmula nang umalis ang aktres sa ABS-CBN at lumipat ng GMA 7, wala pa talaga siyang nag-rate na programa, at wala pa silang masasabing nag-hit na proyekto.
So far, ang masasabing medyo okay lang na programang nagawa niya sa GMA 7 na maayos naman ang rating ay ang Battle of the Judges na isa siya sa mga hurado, kasama sina Atty. Annette Gozon, Jose Manalo at Boy Abunda. Si Alden Richards naman ang host, kaya sa kanya credited ang naturang programa.
Ruru, gagawin lahat ‘pag kinanti si Bianca
Hindi pa rin natatalo ng Black Rider ni Ruru Madrid ang Batang Quiapo ni Coco Martin, pero lumalaban naman kahit paano.
Kung ibabase sa aggregated ratings, lamang talaga ang kay Coco dahil mataas din ang viewership sa ibang istasyon.
Marami naman talaga ang sumusubaybay sa takbo ng kuwento ni Tanggol (Coco Martin) na talaga namang pinapaganda lalo ni Coco ang kuwento at ang lakas ng dating ng mga episode nila ni Ivana Alawi.
Pero gumaganda naman ang takbo ng kuwento ng Black Rider at marami na ang nakakapansin sa matitinding galawan sa martial arts ni Ruru.
Pero nung nakatsikahan namin si Ruru, tinanong namin sa kanya na minsan nakaka-intimidate sa ibang kalalakihan kapag nakikita nila ang galing ng isang artista sa martial arts at minsan ay nakukursunadahan kapag nakikita ito sa labas.
Parang takaw-gulo sila, dahil ang astig ng dating.
“Walang mangyayaring ganun,” bulalas ni Ruru.
Kung mangyayari ‘yun, magiging maingat daw siya at hindi raw siya kaagad na papatol.