Luis, mas gustong sumikat nang matagal
Mahigit dalawang dekada nang nagho-host si Luis Manzano sa mga programa sa telebisyon. May bilin umano kay Luis ang inang si Vilma Santos upang mas magtagal pa sa pagiging sikat at sa industriyang ginagalawan. “Bilin ng mommy ko, ‘Anak, madaling sumikat especially now. You post something online, in few hours sikat ka na. Pero sabihin mo matagal kang pag-usapan in a good way, ‘yun ‘yung pinakamahirap. Pero ‘yung constant ka na may ginagawang tama, ‘yon ‘yung naging talagang goal ng mommy ko for me in anything,” nakangiting kwento ni Luis.
Ang amang si Edu Manzano umano ang talagang iniidolo ni Luis pagdating sa pagiging host. “The peg would always be my dad even up to now. Tanggalin mo ‘yung Manzano factor, si Luis as a fan of Edu, tanggalin mo ‘yung mag-ama, lahat nang ‘yon. But you have to create your own name,” paglalahad niya.
Nangangarap si Luis na maipagmalaki rin balang araw ng kanilang anak ni Jessy Mendiola na si Peanut ang lahat ng kanyang mga nagawa sa show business. “She would get to watch me. Marami siyang pwedeng balikan sa TV na parang, ‘Uy! Papa ko ‘yan.’ O ‘di kaya may lumapit sa kanya when she’s older na parang, ‘We used to watch your dad ha, napasaya niya kami.’ So ‘yon, pinaka-goal ko in terms of being a host and a father,” pagbabahagi ng TV host.
Janine, nangakong Kapamilya forever
Muling pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN kamakailan.
Matatandaang huling nagbida ang aktres sa seryeng Dirty Linen na nagtapos mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas.
Masayang-masaya ang dalaga dahil sa magagandang proyektong nagagawa sa bakuran ng Kapamilya network. “Mas marami nang tumatawag sa ‘kin ng Alexa (karakter ng aktres sa Dirty Linen) kaysa Janine. But kidding aside, it has been a great journey for me. It has been one of the happiest times of my life talaga to be able to work with such inspiring actors, writers and creatives, and of course lahat ng Kapamilya natin sa mundo. I’m so grateful to be a Kapamilya. I cannot express how happy I am to go to work and give the best to our Kapamilyas all over the world,” bungad ni Janine.
Talagang ramdam umano ng aktres ang pagmamahal at suporta ng ABS-CBN kahit na sa mga panahong may pagsubok na pinagdaraanan. “I think the essence of being a Kapamilya is being there for the people you love through the good and the bad and I think that’s what the heart of ABS-CBN, being a Kapamilya is. It feels so lucky to be welcomed into this family and to be able to continue my journey with the Kapamilyas,” makahulugang pahayag ng dalaga.
Para kay Janine ay ibang kaligayahan ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood sa pamamagitan ng mga ginagawa niyang proyekto. “I think iba talaga ‘yung pagmamahal na nahahatid natin through the screen, through our stories, through ASAP, through our performances. And I’m so happy to be a small part of that and I really, really look forward to being a Kapamilya forever. Thank you so much,” pagtatapos ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest