Zephanie, himalang nakaligtas sa aksidente!

Naka-survive pala sa isang car accident ang Kapuso singer na si Zephanie.

Nagpakita siya ng proof of life matapos ibaha­gi na naaksidente sila ng kanyang pamilya.

Himala nga raw na hindi sila nasaktan sa nangyari. Caption niya sa kanyang post kung saan ipinakita ang iba’t ibang litrato kasama ang tinamo ng kanilang sasakyan, “Proof of life. Despite of what happened to me and my family, I still praise God. It was a miracle that none of us got hurt badly.”

Dagdag niya kung saan nagpasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanila, “To all the people who helped and prayed for us, I thank God for your lives, you know who you are. Still in the process of healing emotionally and physically but it won’t stop me from living life the best way possible. This is a testimony of how great our God is. I love you all and He loves you more.”

Inulan naman siya ng mensahe mula sa mga kaibigan gaya nina  Sofia Pablo, Cheska Fausto, and Shayne Sava at tagahanga at nagpasalamat ang mga ito na ligtas siya.

Pagkain, pinaka-practical na regalo

Natatawa ako sa friends ko na kung minsan nagpa promise magpadala ng food. Sina Rubby Coyuito, dra Vicki Belo, Mayette, Susan Co, talagang dumarating at nagugulat pa ako kung minsan sa pagkaing dumating. Tuwang-tuwa ako dahil madalas sobra-sobra ang food kaya kasali ang mga kasama ko sa bahay na sina Mel at Celia sa pagkain.

At talagang mas gusto ko talaga ang food ‘pag pinadalhan ako kaya pati ako mas madalas food ang regalo ko ‘pag may okasyon.

Kaya bongga mas sasaya ako kung mga pagkain talaga ang matatanggap kong regalo.

Show comments