True ba? Francis at Pia Magalona, walang record ng kasal sa statistics?!

Francis at Pia

MANILA, Philippines — Kumalat kahapon ang papeles na galing diumano sa Philippine Statistics Authority na nagsasabing wala silang records ng kasal nina Master Rapper Francis Magalona at ang common law wife nitong si Pia.

Ayon sa lumabas na certificate ito ay dated Oct. 27, 2023.

Habang sinusulat namin ito ay pinave-verify namin kung authentic ang nasabing dokumento dahil sa panahon ngayon, maraming pwedeng magretoke ng mga ganito.

Pero nakasaad nga rito na wala sa records nila ng 1945-2023 marriages sa database ang kasal nina Francis and Pia..

Signed ito ng isang nagngangalang Claire Dennis S. Mapa, Ph. D ng National Statistician and Civil Registrar General Philippine Statistics Authority.

Pero ‘yun nga mahirap mabigyan ng conclusion dahil ‘di mo alam kung orig ito dahil same ang hitsura sa totoong dokumento.

May mga lumutang kasing ebidensiya na kasal naman talaga sila, sa Hong Kong nga lang na diumano’y ‘di valid sa Pilipinas.

Vindication kaya ito sa nagpakilalang diumano’y naging karelasyon ng master rapper na si Abegail Rait at anak na si Cheska?

Show comments