Unang Hirit, tinuloy ang tradition ‘pag Undas

Noong nakaraang Undas ay nagbukas nga ng Serbisyong Totoo booth sa Manila North Cemetery at Sorpresa Truck at the Manila South Cemetery – Oct. 31 to Nov. 1 ang programa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi nakakalimutan ng longest-running morning show na Unang Hirit (UH) ang kanilang core mission sa public service.

Noong nakaraang Undas ay nagbukas nga ng Serbisyong Totoo booth sa Manila North Cemetery at Sorpresa Truck at the Manila South Cemetery – Oct. 31 to Nov. 1 ang programa.

Nakiisa ang UH Barkada na sina Ivan Mayrina, Mariz Umali, Morning Sunshine Shaira Diaz, Morning Oppa Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra, Kim Perez, Anjay Anson, and Jenzel Angeles na nakipag-chikahan sa ibang andun kaya mas lalong naging memorable ang nasabing event.

This year ay upgraded ang kanilang booth kung saan namigay sila ng free snacks, candles, water, coffee, name tags for children, and first-aid services. Dagdag dito free internet access and a roving photo booth kung saan naka-photo op pa ang mga bumisita sa booth sa ilang celebrity volunteers.

Nagkaroon din sila ng Sorpresa Corner at the booth, kung saan marami ang nasali at nanalo ng mga papremyo.

“Laging napakasaya at fulfilling ng experience na maging bahagi ng Undas booth ng Unang Hirit. Nakikita natin ang mga Kapuso natin na dumalaw at talagang pinupuntahan ang booth natin, and of course, nakikita natin ang ngiti sa kanilang mga mukha,” ayon kay Mariz Umali.

Meanwhile, UH’s weather presenter Anjo expressed his joy on his first-time experience serving at the UH booth, “Masaya ‘yung naging experience ko kasi tinatawag nila kong ‘growing boy’ dahil kay Sir Igan. Sobrang sarap sa feeling na nare-recognize ka nila at nakikita mo sila personally. Sobrang sarap din s’yempre makita ng mga ngiti ng mga Kapuso sa mga simpleng bagay na binibigay natin sa kanila dito sa Manila North Cemetery. Nakakataba ng puso na nakakatulong ka kahit sa maliit na bagay.”

Naramdaman din ang positive energy and good vibes nina Shaira and Kaloy. “Hindi lang on cam at sa studio ang bonding namin ni Shaira dahil magkasama pa rin kami kahit sa volunteer work. Nailabas pa rin namin ang kakulitan namin at naibahagi namin ‘yun dahil kami ang bumungad sa mga nagpunta sa booth,” ayon kay Kaloy. Ang UH food explorer Chef JR Royol ang naghanda ng breakfast for cemetery goers at the Manila South Cemetery, while UH hosts Suzi Entrata and Jenzel Angeles distributed snacks and other complimentary items through the truck.

Nakipagtuwang naman sila sa Armed Forces of the Philippines to form the Linis Squad, which was tasked with maintaining cleanliness within the cemetery premises.

Inumpisahan nila itong gawin noong 2009 tuwing Undas bilang pag-alala sa kaugaliang Pilipino na pagbibigay ng respeto sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Napapanood ang Unang Hirit weekdays at 5:30 a.m. on GMA and on its official Facebook page.

Show comments