Energy FM’s 25th anniversary

On and Off ang ugnayan namin ni Energy FM Owner Rebecca Ann Sy. (dinaig relasyon sa showbiz!) 15 years ago nang ipakilala ako sa kanya ng kaibigan kong si News Anchor at PR practitioner na si Joee Guilas. (tulay sa tamang daan ba ito?!) TV Police Reporter pa ako ng mga panahong iyon pero inimbitahan ako ni Ma’am Becca na maging bahagi ng kanyang radio station. Umalis ako sa pagiging reporter at naging radio jock ng Energy FM. Dito umusbong ang tagline kong may ganon. (na bitbit ko parin hanggang ngayon!) . Dito nagbukas ang maraming pinto para sa mga hosting sa telebisyon. (muntik pa nga akong magpasexy sa pelikula!)

Makalipas ang dalawang taon, umalis ako ng kanyang istasyon para tanggapin ang offer ng 103.5 Wow FM. (mukha kasi akong pera!) Nang matapos ang kontrata ko sa Wow, inofferan nya akong bumalik sa kanya na pinush ko naman. (the price is right e!) Tumagal ako ng apat na taon pero kinailangan ko syang iwan ulit dahil sa personal na rason. (sa amin nalang yun!) Napunta ako ng Win Radio. 5 years ako dyan. Kakaalis ko lang nung January. (dahil sa isang taong walang respeto!)

Sampung buwan nakong wala sa radyo at abala nalang muna sa online shows at column, nang biglang may nakaisip na magset ng lunch with Ma’am Becca. (syempre dapat kasama si Joee!) Pitong taon na kaming hindi nagkikita, kaya akala ko maiiyak ako pagdating ko sa meeting place. (buti naisip ko masisira make up ko if I cry!)

Todo Chikahan at kamustuhan. Kwentuhan ng mga ganap sa buhay. (feeling close ulit!)

Magandang timing din ang aming pagkikita dahil nagcecelebrate ang Energy FM ng 25th anniversary. Nakita ko ang mga sakripisyo at pagmamahal nya sa istasyon. May mga ilang tao nang nagagrabyado sa kanya, pero pinatawad nya at hindi binitawan ang pamamalakad ng Energy. (bigyan ng award yan!) Sa kanyang speech sa kanilang anniversary party, ibinahagi nya ito.

“Energy FM is like a baby to me. I have fought hard for it and watched it slowly grow with time. There were times when things were going downhill, and I was quite depressed. The journey was not smooth. We have had our ups and downs and I thought that it was impossible to move on. But we have never backed down. Yet, today I stand here, proud, and happy. Celebrating our 25th year, a milestone, our silver anniversary. We have come a long way since our humble beginnings, we have been through so much together and have grown up a lot, but one thing is for certain: we would not be where we are today without you.”  (ibang baby yung nasa isip ko!)

Idinidagdag din nya ang mga linyang ito.

This company has taught me valuable life lessons. Let me share it with you. When there are things that we want in life, they tend to consume our thoughts. We start to obsessively think about the things we want most and it starts to take up a lot of our time, energy and thought. Turn that obsessive thought into prayer. Give it to God and let Him take care of it. Stop worrying and trying to achieve everything on your own and ask God for help. “

(bigla kong naramdaman ‘yung Energy ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

Show comments