Miss Grand Philippines 2023 candidate nakitang 'duguan' bago mawala
MANILA, Philippines — Lumitaw ang dalawang saksi kaugnay ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon, ito matapos diumanong makitang inililipat ng sasakyan ang beauty queen habang duguan.
Sa ulat ng GMA News nitong Martes, iniulat ng ilang testigo kung paano nila nakita ang isa sa mga persons of interest sa pagkawala ni Camilon noong ika-12 ng Oktubre, ang nauna ay sinasabing nanutok pa sa kanila ng baril.
"Umiihi du'n sa lugar, nakita n'ung suspect natin, lumapit sa kanila, at tinutukan sila ng baril," wika ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Romeo Caramat Jr.
"Through the rogue's gallery of the CIDG, they positively identified and they were very certain about it [pagkikilanlan ng gunman]."
Noong nakaraang buwan lang nang opisyal na ideklarang nawawala ng Batangas Philipippine National Police (PNP) public information office si Camilon, na kabilang sa mga sumabak sa Miss Grand Philippines pageant nitong Hulyo.
Dagdag pa ng mga witness na nakita nilang inililipat ang duguang biktima mula sa kanyang sasakyan patungo sa isa pa. Tatlong lalaki aniya ang nasa likod ng paglilipat ng katawan.
Inaaral na aniya ng CIDG ang posibilidad ng "love angle" bilang motibo sa krimen.
Nangangalap pa naman ang polisya ng mga karagdagang ebidensya para mas mapalakas ang kaso laban sa naturang person of interest.
Una nang tiniyak ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na hindi magkakaroon ng "whitewash" sa imbestigasyon ng pagkawala ni Camilon, kahit na pulis ang isa sa mga tinitignan ngayon bilang isa sa mga persons of interest.
Ang PNP ay isang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim mismo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
- Latest