Tawang-tawa ang award winning actor na si Christopher de Leon nang hingan ng reaction sa opinion ng ibang ‘aging like fine wine’ siya like Hollywood Brad Pitt. “Hahaha. Kasama ko sa Batang Quiapo si Lovi Poe. Imagine... but that’s entertainment for you. I don’t know how to react but I’m just being me and just taking good care of my skills and myself and thanking God for everything I have,” sagot ng awar-winning actor na muling mapapanood sa pelikulang When I Met U in Tokyo katambal ang Star for All Seasons Vilma Santos. Huli silang napanood sa Mano Po 3 noong 2004.
Dekada ‘70s pa lang ay magka-loveteam na sila at hanggang ngayon ay ‘di matatawaran ang ipinapakitang chemistry ng dalawa onscreen. Kabilang sa mga nagawa nilang pelikula na hit sa takilya at award-winning projects ay ang Relasyon, Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Sinasamba Kita, at Imortal.
Sa kanilang reunion project ngayong 2023, bibigyang buhay nina Boyet ang Vi ang isang OFW (Overseas Filipino Worker) love story na nagpapatunay na ang pag-ibig ay walang kinikilalang hangganan, edad, o estado sa buhay.
Ang nasabing pelikulang ay kinuhanan sa Tokyo, Japan na hindi lang daw magpapakita ng galing sa pag-arte ng mga bigating bida kundi na rin ng ganda ng shooting location. Sa mga outskirt ng Japan, ‘yung hindi gaanong napapasyalan ng mga turista ang pinag-shootingan nila. “Japan is visually rich. ‘Yun ang reason bakit doon kami nag-shoot. I saw it and it’s a beautiful movie,” masayang pagbabahagi ni Boyet.
At marami siyang kuwento sa naging experience nila habang ginagawa ito bilang siya rin ay associate director din.
Kumusta naman ang pagiging associate director? “It was good. I was handling some affairs, some scenes, ‘yung mga kailangan ng emotional buildups, acting shifts, approaches, and more or less, encouragement. I was practically doing almost all of it. And everybody was cooperative.”
Pero ano nga ba ang totoong dahilan bakit siya napakiusapan ni Direk Rado maging associate? “Papaano kakausapin ang Star for All Seasons, a big, big star? Paano mo ii-instruct si Vilma Santos on what to do and what not to do?,” natatawa niyang pagbahagi. “Kaya ako pumasok sa picture as an associate director!”
Kinumpisal din niyang ni-review at ni-revise pa nila ang kabuuang kuwento at ginawang solid ang kanilang mga karakter.
Masaya pa niyang idinagdag na bilang associate director, alam na niya ngayon kung bakit paborito ang kanyang leading lady ng maraming direktor. “Sabihin mo lang ‘yung kailangan gawin, she will do it perfectly. Ganun kadali siyang mag-absorb nung ipagagawa mong eksena. Ang daling kausapin! I enjoyed every minute of that,” papuri pa niya kay Ate Vi na sa totoong buhay ay hindi sila nagkaroon ng relasyon.
Ipinaliwanag din niya at ipinaalala na hindi na bago kumabaga sa kanya ang pagdidirek. “Noong araw pa ako nag-didirek. Pero hindi naman ako full-time director. I did two films already and three teleseryes.”
Pagkatapos nito aniya ay pinag-iisipan niyang muling ipagpatuloy ang pagdidirek. “I plan to go back and get serious about my director’s dreams of telling stories. I like telling stories kasi even in my case now as an actor. Naglalahad kami ng characters. That’s entertainment kasi, our field. Art imitating life or life imitating art,” kaniyang sinabi.
Walang senyales na may balak siyang tumigil sa pag-arte o magretiro sa lalong madaling panahon.