Nagkaroon pala ng second miscarriage si Alex Gonzaga.
Ito ang rebelasyon niya sa vlog ni Toni Gonzaga, Toni Talk, sa episode na ‘Opens Up About Her Second Pregnancy Loss.’
“For the first time, she shares about her second miscarriage — what she realized and value most about her husband through their IVF pregnancy and loss,” ang caption sa nasabing vlog.
Inamin ni Alex na ginawa nila ng asawang si Mikee Morada pati ang in-vitro fertilization (IVF) magkaanak lang.
Pero wala raw talagang kontrol ang kahit sino sa pagbubuntis kaya’t pinagdarasal niya ito at one time habang naliligo siya kinausap siya ng Diyos at sinabing ‘Why are you in a rush to be pregnant? Why?’ at dun daw niya naisip na bakit nga ba.
Sinabi ni Alex na ang kagustuhan niyang mabuntis agad ay dala ng pressure mula sa ibang tao. “Kasi napi-pressure ako sa tao sa sinasabi ng mga tao.”
Naalala pa nila na nung baby shower for Toni sa second baby nila ni Direk Paul Soriano, ang daming nagsasabi sa kanyang ‘ikaw na ang susunod.’
Hanggang itinanong ni Toni kung bakit nag-decide sila ng IVF.
Sagot ni Alex sa kapatid, dahil daw napanood niya si former first lady Michelle Obama.
“Basta nakita ko, sinabi niya (Michelle) na nagkaroon siya ng miscarriage, tapos after two years, hindi sila makapag-conceive ni Barrack (Obama), akala mo close (sabay-tawa), so sabi niya mag-a-IVF siya,” kuwento ni Alex na sagot ni Toni na ba’t kasi ang hilig niya mag-try ng mga napapanood niya.
Pero nagulat daw siya na maraming proseso sa IVF, maraming bawal at mga sakripisyo talaga.
Ang dami raw talagang kailangang gawin na dapat aniya ‘pag alam ng bata na dumaan siya sa proseso ng IVF dapat mas mahalin ang magulang. Kaya grabe raw ang respeto niya sa mga magulang na nakakabuo nito.
Pero pahayag niya wala kang control dito, nasa kamay ng Diyos ang lahat kaya naman mabilis natanggap ni Alex ang lahat.
Ayon kay Alex, nung araw na malalaman nila kung nakabuo sila ay nagdasal siya kay Lord at binulong na anuman ang resulta ay kakayanin nilang tanggapin basta kasama Siya.
“Ang prayer ko kay Lord is, ‘Lord, please, kapag hindi maganda ‘yung news, be with me, sana samahan n’yo ko Lord, hindi ako masasaktan, hindi ako malulunkot, hawakan N’yo ako, ‘yung maramdaman ko na nandu’n Kayo,’” pag-alala ni Alex.
Ginawa raw niya ito nung pagkatapos mawala sa ere ang LOL.
Naungkat din sa nasabing interview na masakit ang mga pinagdaanan niya this year lalo na ‘yung nag-birthday siya lalo na ‘yung pinahiran niya ng cake ang waiter sa kanyang birthday celebration.
Pero lagi raw siyang nagdarasal na para sa kanya ay ginawa ‘yun ni Lord para matuto siya.
“Na parang dumating sa point na pini-pressure ko si Lord na parang ang ate ko nanahimik lang sa mga bashing pero at binigyan siya ng Polly,” aniya pa.
Aminado rin siya na iyak na siya nang iyak na gusto na talaga niyang magkaanak.
Pero talagang nagbasa siya nang nagbasa ng bible at sinabi naman sa kanya ng Diyos na maging faithful siya at darating ‘yun sa tamang oras.
Tanggap na tanggap na nila ng mister ang mga nangyari at nagpapasalamat siya rito na andun lagi at hindi naramdaman na meron siyang kasalanan sa mga nangyari. Napakabait daw ng asawa niya at hindi ito nagpapakita ng kalungkutan sa mga nangyari sa kanya.