May makikita kayong snow ghosts, zombies, isang gumagalang mangkukulam at aswang, at si Snow Man na makikipaglaro sa inyo sa loob ng Snow World Manila.
Iyan naging highlight sa pagdiriwang ng Halloween sa loob ng Snow World, kagaya ng nakaugalian na taun-taon.
Hindi kayo dapat matakot, dahil hindi naman talagang gumagawa ng horror figures sa loob ng Snow World kundi iyong mga cute at nakakatuwang figures na magugustuhan kahit na ng mga bata.
Sinasabi nga nila na ang totoo hindi naman dapat na gawing katatakutan ang Halloween. Hindi naman iyan isang scary festival dapat.
Kaya nga hindi dapat matakot kung matapos kayong mag-slide sa pinakamalaking man-made ice slide sa buong mundo, ang sasalubong sa inyo sa dulo ay isang zombie.
May mga mangkukulam din kayong makikita sa Snow World cafe, at may mga nakalibing sa Snow play area. Pero kagaya nga ng sinasabi nila, cute ang creatures at hindi dapat katakutan, after all ang Snow World ay ginawa para sa kasiyahan.
Ang Snow World ay bukas araw-araw mula alas kuwatro ng hapon kung weekdays, at mula alas dos ng hapon kung weekends at holidays.
Paalala lang, talagang parang totoong winter sa loob ng Snow World. Negative 15 degrees ang lamig sa loob. Ganoon pa man, may thermal jackets namang ipinahihiram ang Snow World Manila para kayo mag-enjoy sa kanilang 365 days winter.