Kim, kulang sa usap kay Xian?!

Kim, Vice at Showtime hosts
STAR/ File

Pinilit-pilit magsalita ni Vice...

Pasabog at pinag-usapan sa social media ang pagbabalik ng It’s Showtime sa panibago nitong timeslot na 11:30 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes umpisa nitong nakaraang Lunes (Oktubre 30).

Masaya nga ang netizens na nagbalik muli ang programa sa pagbibida ng galing sa pagsasayaw ng mga Pilipino sa It’s Showdown at ang kwelang biruan ng hosts sa Funanghalian.

Sa naturang segment, dalawang grupo ang naglalaban-laban sa dalawang rounds na Hatawan-on-one at Dance Showdown.

Sa unang round, pipili ng isang pambato ang bawat grupo at maghaharap ang mga ito sa Dance Arena samantala sa ikalawang round naman ay ipapamalas na nila ang kani-kanilang hinandang pyesa sa madlang people.

Sa oras na mag-tie ang dalawang grupo, bubunot ang hosts ng tig-isang pangalan sa grupo na haharap sa isang solo showdown.

Hinirang naman bilang kauna-unahang grupong nanalo sa segment ang AMK Rock Nation matapos nilang makuha ang 4.2 points mula sa hurados na sina world champion coach at World of Dance country director Vimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perz at ASAP’s Queen of the Dancefloor Kim Chiu.

Mapapanood pa rion A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.

Samantala, kahit itinanggi na ni Kim na hindi sila break ni Xian Lim, hindi talaga siya tinantanan ni Vice kahapon.

As in nag-trip talaga ito nang kalkalin ang love life ng Linlang actress.

Tinanung-tanong niya ito kung sino ang nagpapangiti sa kanya (Kim).

“Napaka-OA nito,” sagot lang ni Kim.

“Kami? Ako ang OA?” tawang tanong / sagot ni Vice na parang may meaning.

Sumundot pa si Amy Perez kung meron bang gustong bigyan ng mensahe si Kim.

Sagot ni Kim “Hi,” na walang pangalang binanggit.

“Mayroon ka bang gustong batiin?” dagdag ni Tyang Amy.

Maya-maya ay inulit ni Vice kung sino ba talaga ang nagpapangiti sa kanya.

“Ako? Siyempre, mga pamilya ko, kamag-anak ko,” sagot ni Kim.

“Napaka-OA!” pang-iimbyerna ni Vice.

Hmmm.

‘Di nakuntento si Vice, tinanong pa niya ulit si Kim ng “ano ‘yung kulang ka ‘pag wala ito?”

Sagot agad ni Kim, “kulang ‘pag walang usap.”

Sabay sabi na mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon.

Sabat ulit ni Vice : “So, mahalaga sa ‘yo ang usap. Kulang ka kapag hindi mo siya nakakausap.”

Sagot naman ni Kimmy, “yes.”

Tanong ulit ni Vice, “sino ba ito?”

Sagot ni Kimmy “kapatid ko, ate ko, papa ko, si Xi (Xian), sino pa ba? Marami, gusto ko lahat kausapin.”

Nag-deny na si Kim tungkol dito, pero marami ulit nagmalisya kahapon.

Anyway, nauna na ring sinabi ni Kim sa aming interview na hindi niya sinabi kay Xian kung anong matitinding eksenang ginawa niya sa trending series na Linlang.

Aniya, hindi kailangang magbigay ng consent ni Xian dahil pagdating sa career kanya-kanya sila at may gagawin daw itong mas dark pa kesa sa ginawa niya sa Linlang.

Show comments