Naging sobrang busy pala ng ilang linggo si US Immigration Attorney Marlene F. Gonzalez nung bumisita siya sa upang turuan, bigyan ng tulong at ipaalam sa mga Pilipino kung paano magtrabaho at manirahan sa United States.
Ang pangunahing focus ng Filipina-American Attorney ay ang magbigay ng impormasyon sa mga Pilipinong gustong magpunta sa US.
Maaaring ito ay bilang isang turista, isang nurse, isang student o isang unskilled worker at celebrity na nagbabalak manirahan na sa ibang bansa.
Nagsimula ang kanyang pagbisita sa Pilipinas sa isang matagumpay na 3-araw na trade expo sa Megatrade Hall noong Setyembre 29, 2023. Nagbigay siya ng free consultation sa mga kababayang gustong magtanong tungkol sa kung paano maging matagumpay sa pag-apply ng US visa, sa petitions ng mga kaanak at sa mga may problema tungkol sa US Immigration. Nagsagawa rin siya ng immigration seminar noong Oktubre 7, 2023 kung saan nakipagpulong siya sa mga nars at negosyante na gustong maghanap ng mas magandang buhay sa US.
Napanood din siya sa programang Open for Business ng NET25. Regular din siyang guest sa morning program ng network, ang Kada Umaga. Makikita siya sa nasabing program kada Biyernes. Maaaring makontak si Atty. Marlene online. Puntahan lamang siya sa kanyang website, ang www.us-journey.com upang siya’y makausap.