Lumantad na ex ni Francis M, Lotlot sa election!

MANILA, Philippines — ‘Lotlot’ pala ang lumantad na diumano’y naging karelasyon ng Master Rapper Francis Magalona na si Abegail Rait. Yup, wiz itong nakalusot sa nakalipas na Barangay Election.

“It is with humble appreciation to all the supporters who fought for us a good battle and rest assured that we are one in serving goodwill with earnest effort to find ways to make our better community to come together,” aniya sabay pagbati sa mga nanalo.

Nag-trending sila ng sinasabing anak ng Master Rapper nang ibenta nila ang memorabilia ng namayapang rapper sa isang vlogger na worth half a million para raw sa future ng anak nilang si Cheska.

Hanggang ngayon ay no reaction naman ang legit family ni Francis M.

Mga cryptic post lang ang nababasa sa misis nitong si Pia Magalona at mga anak.

Kahapon ay magkasunod ang post ni Maxene Magalona na busy sa Medidation party. Tulad ng “There is a huge amount of freedom that comes to you when you take nothing personally.”

Show comments