Teacher Georcelle, nagsalita sa dance steps na hindi na nasasayaw ni Sarah G!

Georcelle Dapat-Sy

Successful ang ginawang competition ng G-Force ni Teacher Georcelle Dapat-Sy sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit, Makati nung nakaraang Lunes, Oct. 30.

Ginagawa ito ng G-Force pagkatapos ng workshop, pero ang kaibahan ngayon ay competition na kung saan naglaban-laban ang walong grupo na tinuruan ng walong celebrity choreographers na produkto ng G-Force. Kaya pinamagatan nila ang event na G-Force Project 2023 The Competition.

“So, ‘yung G-Force Project is our way of sharing happiness, sharing the gift of dance, and we started it year 2008. So, 15 years na, and we keep on doing it, and nag-i-evolve na rin,” tungkol sa naganap na workshop/competition.

Dagdag niya : “Meron kaming mga team building workshop for them. We have a lot of teachers na inu-offer. Nag-perform na kami sa Araneta Coliseum, sa Mall of Asia Arena. At ang pinaka... past few years namin sa Solaire Theater.

“So, it was really dubbed as the biggest and the grandest dance workshop here in the Philippines,” pakli ni Teacher Georcelle.

Ginawa niya itong competition at ang nanalong team ay nakatanggap ng P150K.

Open ito sa lahat na gustong mag-aral ng dancing, hindi lang sa mga kabataan kundi pati sa mga nanay, walang age limit.

Kitang-kita ang excitement ng mga performer na ang gagaling nila. Pero ang napiling winner ay ang team ni Choreographer Jaja.

Thankful si Teacher Georcelle sa suporta ng mga kaibigan na naging bahagi sa malaking event nila.

Bigatin ang judges na sina Billy Crawford, Dra. Vicki Belo, Sarah Lahbati, ang international choreographer na si Laurence Kayway, at si Mr. Carlo Katigbak.

Ang ganda naman ni Sarah dun na bumati sa amin. Naalangan lang akong tanungin siya tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Richard Gutierrez.
Sabi naman niya, okay na okay siya.

Kahit si Teacher Georcelle ay umiwas na rin sa mga intrigang tanong namin tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo.

Nilinaw lang namin sa kanya ang tungkol sa copyrighted na dance steps nila.

Naka-copyright daw ang mga na-create nilang dance steps sa IPOPHIL o Intellectual Property Office of the Philippines.

“You know, when you’re writing songs right? You just have to... you have created and of course ‘pag gagamitin siya, kailangan lang naman magbayad ng royalty fee.

“Similar with songwriters... probably because ngayon lang talaga narinig ang dance. “It has been there for a long time already,” pahayag pa ni Teacher Georcelle.

Meron naman daw silang dance steps na ipinu-post nila sa social media, na puwede naman daw gamitin.

“Of course, they can use it. There are things na.... parang sa music, ‘di ba sa TikTok? There are music na, available to be used.

“So, when we create dance challenge, we will post it and you can of course use it,” sambit ni Teacher Georcelle.

Kaila, malalim ang emotional investment sa linlang

Nagpasalamat si Kaila Estrada sa magagandang feedbacks na nakakara­ting sa kanya sa epektibo niyang pagganap bilang si Sylvia, ang asawa ni JM de Guzman sa Linlang na napapanood sa Amazon Prime.

Nakatsikahan namin siya sandali sa red carpet ng Opulence Ball na in-organize ni Raymond Gutierrez nung nakaraang Martes, Oct. 31.

Malaking challenge raw talaga sa kanya dahil ang tingin niya bata pa siya sa naturang role na ipinagkatiwala sa kanya. “I think part na rin ‘yun dun sa challenge na the cast of course, sobrang powerhouse. And siyempre medyo kinabahan din ako and also siyempre mas mature ‘yung role. So, ‘yung I guess ‘yung preparation and ‘yung emotional investment ko dun sa character, definitely mas mabigat, mas malalim.

“I was nervous din kung tatanggapin ng mga tao kung ako ‘yung gaganap.
“I’m grateful to everybody that supporting din na and I’m really grateful din for the feedback that I’ve gotten so far,” pahayag ni Kaila.

Aware naman si Kaila na hindi nakaligtas sa mga puna at bashing ang co-actor niyang si Anji Salvacion.

Ang tindi ng mga komento laban sa young actress, pati ang ka-loveteam niya ritong si Kice So.

Hindi na raw sila kailangan sa kuwento dahil ang intense ng bawat episode sa kuwento nina Paulo Avelino, Kim Chiu, Maricel Soriano, JM de Guzman, Ruby Ruiz, kasama si Kaila.

Sabi naman ni Kaila, sana maging kind naman daw ang netizens sa mga sinasabi nila laban kay Anji.

Aniya, “I understand that criticism is part of it, ‘di ba?

“I mean, we welcome it kasi we learn from the criticism that we received.

“But I think, some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online. Kasi siyempre, hindi naman natin alam ‘yung magiging effect nu’n sa kanya.”

Show comments