Faith, anim na taon hinintay ang Sang’gre

Faith da Silva

Sumubok na rin pala noong mag-audition si Faith da Silva sa Encantadia noong 2016 pero hindi siya pinalad.

Kuwento ni Faith, “During Encantadia 2016, I auditioned for the role of Mira, anak din po ni Glaiza de Castro and hindi ako nakuha for that.”

Pero ngayong napabilang na siya sa bagong henerasyon ng Sang’gre ay ito na ang ‘right time’ para sa kanya. Hindi niya akalaing pagkatapos ng anim na taon ay mapapabilang siya sa serye.

Naalala niya ang kanyang pag-audition noon at nang makita raw niya ang ginawang audition ni Kate Valdez ay naintindihan niyang para sa dalaga iyon.

Napakalaking responsibilidad ang mapabilang sa programa pero excited na raw talaga silang mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian. “Kami ni Angel, nagkausap kami recently and we were talking about how big of a responsibility this is for us. Hindi lang sa mga Sang’gre, sa aming apat, kung hindi sa buong team because it is such a big project.”

Matagal daw pinaghandaan ni Faith ang big project pero hindi niya akalain itong Encantadia Chronicles: Sang’gre ang ipagkakaloob sa kanya.

“I remember people were asking me, ang sabi nila, ‘Ano ba raw ang pinaghahandaan ko? Bakit daw ba sobrang effort ako.’ At noong time po na ‘to hindi ko pa po alam na ako na po si Sang’gre Flamarra. And I would always say na, ‘I’m preparing for something big.’”

Dagdag niya, “At that moment, hindi ko pa alam kung ano ‘yun pero ipinagkaloob ‘to sa akin ng universe. And, I think this is the right time because sa lahat po ng pinagdaanan ko I feel like this is leading towards this moment.”

Show comments