Kabilang si Candy Pangilinan sa mga nagluluksa sa pagpanaw ng actor / singer na si Joey Paras.
Post ni Candy : “Sumabay ka talaga sa eleksyon at humabol sa undas.
“Paki hello ako kay Direk Wenn Deramas, Phillip Lazaro and Chocolate at marami pang iba...
“Rest in peace my friend.
“My prayers are with you.
“You fought well...
“To all my friends, i love you all...,” ang kumpletong post ni Candy sa photo nila ni Joey.
Matagal ding nagtrabaho sa abroad at nagkaroon ng launching movie si Joey sa Viva Films, Bekikang: Ang Nanay Kong Beki noong 2013.
Kinumpirma ang kanyang pamamaalam ng pamangkin niyang si Zciara Shyne Sinchon-Fabian.
“To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40pm. Unfortunately his heart wasn’t able to recover anymore.
“Currently, his remains is still at the hospital’s morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.
“If you wish to donate kindly PM ME po.Sa akin lang po magpi-pm dahil ngayon palang po may mga scammers na po na tumatawag sa amin,magbibigay raw po ng donation pero pati birthday ko tinatanong,tinatry ireset password ang gcash ko.Mag-ingat po tayo sa mga mapagsamantala.Salamat po
Funeral arrangements will be announced further.”
Marami naman agad nagpaabot ng tulong : “Maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa aming pamilya.Salamat rin po sa lahat ng nagpaabot ng pinansyal na tulong,nangangailangan po kami ng tulong pinansyal para po sa Hosp.bills ng Tito Joey Paras ko,at para maisaayos po namin siya at maiuwi sa amin.
“Sa mga gusto pong magpaabot ng tulong mangyari lang po na mag PM lang po sa akin.Hindi na po ako nagpost ng gcash details ko dahil nung nagpost po ako kanina marami agad scammers na tumatawag.Namatayan na po kami sana wag naman po tayo mangloko pa.”