Jane, naghihintay kay Paulo Avelino
Inamin ni Jane de Leon sa Star Magic Celebrity Conversations na malaki ang kanyang paghanga kay Paulo Avelino.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang dalaga na makatrabaho ang aktor. “Muntik na muntik ko na siyang makatrabaho, crush ko kasi talaga siya, si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon. Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista. ‘Yon ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porke’t crush ko siya, siyempre hinahangaan, magaling kasi siyang artista,” pagtatapat ni Jane.
Matatandaang huling nagbida ang aktres sa Mars Ravelo’s Darna na nagtapos noong Pebrero.
Marami pa umanong mga karakter ang pinapangarap na magawa ni Jane. “‘Yung Split ‘yung iba-iba ‘yung mga personality. I want to try that. Gusto ko ma-challenge ang sarili ko. Then other than that gusto ko rin makapag-explore out of the country. Kasi I really love my craft so much. Pumasok naman ako rito not just for the fame or for money but of course I really love my craft. Siyempre hindi naman matatapos lahat sa Darna. Sinasabi ko nga kay Lord, baka ito pa lang ang umpisa,” pagbabahagi ng dalaga.
Nakikita ni Jane ang sarili na talagang magtatagumpay sa mga darating pang taon. “A successful lady, ‘yon talaga.
“But siyempre may plan rin si Lord for me. So, no matter what kung ano man ‘yon, alam ko may ibibigay Siya sa aking lesson to grow,” nakangiting pahayag ng aktres.
Gerald, tutok sa mga negosyo
Kamakailan ay opisyal nang binuksan ang ikatlong sangay ng The Th3d Floor gym na pag-aari ni Gerald Anderson.
Taong 2019 nang buksan ang unang gym at 2021 naman nang magbukas ang ikalawang sangay na parehong matatagpuan nasa Quezon City. Sa Sheridan, Mandaluyong matatagpuan ang pangatlong gym ni Gerald. Ayon sa binata ay talagang tinututukan niya ang negosyo para na rin sa kayang kinabukasan. “Siyempre mahal ko trabaho ko sa showbiz but I want to build something na pumapasok hindi galing showbiz. I worked 16 years in the industry, planning more siyempre pero maganda may ibang challenge. Something to build from the ground up. It’s a challenge,” makahulugang pahayag ni Gerald.
Muling madadagdagan ang mga sangay ng naturang gym sa mga susunod na buwan.
Para kay Gerald ay maganda ang kanyang pinasok na negosyo dahil nakatutulong ito para sa kalusugan ng mga tao. “Gusto ko magkaroon ng facility where people can come, build a community, get fit, make friends. I am very happy may opportunities na ganito. I get to do something outside my showbiz career, keeps me busy. More than equipment, location, I want to give the best service to potential clients,” giit ng aktor.
Samantala, may mga bagong proyekto nang pinaghahandaan ngayon si Gerald.
Ayon sa aktor ay kailangan itong pakaabangan ng kanyang mga tagahanga. “May gagawin kaming project with direk Erik Matti. It is a series, antayin nating ma-announce. Projects with ABS-CBN naman early next year na,” pagtatapos ng binata. — Reports from JCC
- Latest