Almost sold out na ang naka-schedule na first ever concert ng soulful balladeer na si Dindo Fernandez na gaganapin sa October 28, Dindo Fernandez...Live at Teatrino with Musica Chiesa na Teatrino Promenade, Greenhills.
Dahil this week na ito, ayon kay Dindo, maiksi na lang talaga ang preparations.
Sa isang press conference at the Bayview Hotel last Oct. 19, nabanggit niyang “We already did the first rehearsal last week, and for today, we will be having our last day of rehearsals before approaching the concert itself. Yung mga music sheets po namin nakalatag na, so we can work quickly with our limited time,” aniya.
Ang Musica Chiesa ay chamber instrumental ensemble under the Philippine Jesuit Music Ministry (JMM) na mas nagpapa-excite sa nasabing concert.
Si Michael Bulaong of Musica Chiesa ang tatayong musical director, and to be directed by award-winning light and stage director Joey Nombres.
Ang nasabing 12-piece chamber instrumental ensemble (Musica Chiesa), ay binubuo ng rhythm section and 7-piece strings (violin, viola, and cello).
“The concert’s concept is quite personal,” shares the singer “but I was inspired by the idea of direk Joey (Nombres), that it is all about ‘music and voice.’ So we will be avoiding using some stuff like the LED and some visual effects because we want to go back to the old days when the audience would just watch the show and appreciate music through pure voice and the orchestra,” pagdidiin niya sa konsepto ng kanyang concert.
Dagdag pa niya “Makikita nila ang aking flexibility, at maipapakita ko rin sa kanila na kaya kong kumanta ng iba’t ibang genre, mula sa love songs hanggang sa Broadway, from gospel songs to duet songs.”
Magkakaroon naman siya ng duets with Gel Pasigan, a finalist in the 2019 WCOPA.
Samantala, kung meron man gustong maka-collab si Dindo sa mga sikat na singer natin ngayon, si Morisette ‘yun. “Medyo ambitious tayo po. If you will check my songs po, ‘yung mga kinakanta ko po kasi ay medyo powerful, so medyo namimili po ng partner.
“Minsan po, may mga gusto akong kantahin, pero hindi kayang kantahin nung kaparehas na babae. So I think Morissette… we can do a good song together,” aniya nang tanungin tungkol dito.