Krystal Mejes, ‘di makapaniwalang Best Actress sa Paris Film Awards!

Krystal
STAR/ File

Kamakailan ay kinilalang Best Actress si Krystal Mejes sa Paris Film Awards para sa pelikulang Matapang.

Nakatrabaho ng baguhang aktres sa naturang short film si Alessandra de Rossi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Krystal sa natanggap niyang parangal. “Hanggang ngayon tumataas pa rin po balahibo ko when I think about it. Because I was just once na nangarap,” bungad ni Krystal.

Malaki ang pasasalamat ng baguhang aktres sa pamunuan ng ABS-CBN na patuloy na sumusuporta sa kanyang career. “ABS-CBN has always been there for me. Kahit anong gawin ko in my life, they’re always behind me and I just feel very, very grateful. My heart is overflowing with joy and gratitude to be just so blessed to have people supporting me, loving me, trusting me, especially with this big re­cognition. I can’t explain it, my heart is just so happy to have them in my life,” paglalahad ng dalaga.

Mahilig daw talagang manood ng mga lumang pelikulang Tagalog ang aktres. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Krystal na makatrabaho ang nag-iisang Star for All Seasons. “Siguro po it would be Ms. Vilma Santos. Mahilig talaga ako manood ng old films. I grew up in a traditional Filipino household na alam mong pinapanood si FPJ (Fernando Poe, Jr.), gano’n,” kwento ng baguhang aktres.

Gary V at gloc-9, walang pumalakpak ang collab

Nagkaroon ng kolaborasyon sina Gary Valenciano at Gloc-9 para sa isang kanta. Magiging bahagi ito ng bagong album para ipagdiwang ang ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng rapper sa music industry. “I have on my phone a very special collaboration with Gloc-9 that I just finished. The title is Walang Pumapalakpak, awit ka nang awit kahit walang pumapalakpak. It’s a very encouraging song. It’s done and it’s going to come up in his album because he’s celebrating his 25th anniversary. He came to me and said,‘Sir, pwede ka bang maging part ng 25th anniversary celebration ko?’ And sabi ko, ‘Game, ang galing,’” nakangiting kwento ni Gary.

Para kay Mr. Pure Energy ay talagang may angking talento si Gloc-9 sa pagsusulat ng mga kanta. “When Gloc-9 writes a song, you can’t help but pay attention because he’s saying something in every part but the thing is I’m the one singing and he only comes in the back part. Then we’re together up until the end. I think it’s gonna be a hit,” dagdag ng singer.

Ayon pa kay Gary ay siguradong maraming kasamahan sa industriya ang tatamaan dahil sa mensahe ng naturang awitin. “Awit ka nang awit, awit ka nang awit kahit walang pumapalakpak. Maraming beses kang nadadapa, bumangon ka agad. It’s actually meant for many aspiring artists who end up singing kahit walang pumapalakpak. It’s meant to encourage. When I heard it, sabi ko, ‘Naku! Maraming matatamaan.’ I made Paolo (panganay na anak ni Gary) hear it for the first time and he was like, ‘Wow! I have an idea, dad, for a video,’” pagbabahagi ni Mr. Pure Energy. (Reports from JCC)

Show comments