JM, apektado sa pagtaba

JM de Guzman

Apektado si JM de Guzman sa mga paulit-ulit na nagsasabing tumaba siya at mukha siyang may stiffneck.

“Masakit kayo magsalita. :),” aniya sa kanyang post na andun ang mga comment ng body shamer na as if binigyan sila ng karapatan na mag-comment.

 Kaya naman hindi nakatiis si John Arcilla.

“Whew. Ibang klase. How can people be so mean. Kala nila nasa sarili lang nila silang mga kwarto at nakikipagkwentuhan sa mga barkada nila habang namumulutan ng ibang tao. These people are not happy people thats for sure.”

“Yer perfect bro!! F-ck em!!,” sabi ni Arci Munoz.

Isa sa mga bida si JM sa Linlang na in all fairness ay trending sa maraming bansa.

Pinagbibidahan nila ito nina Kim Chiu and Paulo Avelino..

Show comments