Cheating Game, nasa Netflix na!

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Ang bongga naman nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil mapapanood na ang pelikula nilang The Cheating Game sa Netflix Worldwide simula Oct. 26.

Ikukuwento nila rito kung paano na nga ba mag-date ngayon at kung worth it pa nga ba.

Isa itong romantic drama na magbabahagi tungkol sa mature, relatable, at realistic side sa pakikipag-date sa panahon ngayon.

Ipapakita nila kung paano mag-react sa betrayal ang dalawang tao na sina Hope at Miguel na ginagampanan nina Julie Anne at Rayver.

Makakasama nina Julie at Rayver sa The Cheating Game sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino, at Paolo Contis at marami pang iba.

Ito pala ang unang pelikula sa ilalim ng GMA Public Affairs na co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol. Batay ito sa orihinal na konsepto ni Peabody award-winning documentary writer at producer na si Shao Masula, at co-written ito ni Jessie Villabrille na headwriter din ng ilan sa mga sikat na GMA primetime series.

Siguradong maraming JulieVer fans ang manonood nito.

Mga lola, hirap nang rumampa!

Talagang siguro hindi na kaya ng katawan kong ru­mampa masyado.

Talagang ramdam ko na ‘yung weakness sa body ng isang 77 years old woman. Feeling lola na talaga, hah hah.

Tapos salamat sa prayers at medical genius grabe pa ang tumamang pneumonia sa akin. Bongga nga na nalagpasan ko lahat kahit hanggang ngayon talagang ang hina pa rin ng katawan ko. Ayaw ko na nga halos tumayo sa kama at lagi na lang nakahiga.

Kahit miss ko mga lunch namin nila Pat-P Daza talagang hindi ko kaya. Bongga nga na meron akong tagabayad sa hospital anytime, ang aking Bongbong (Marcos)-Bong (Revilla), at salamat din kay Usec. Honey Rose Mercado, pero talagang ayaw ko nang maulit ma-hospital pa.

Hindi ko type dahil nadi-depress ako. Saka talagang mas comfortable ako sa bahay.

Show comments