Mark Leviste, ayaw nang hiwalayan si Kris
Nawawala pa rin pala ang beauty queen na si Catherine Camilon.
Kaya naman tumutulong na ngayon sa paghahanap dito si Vice Governor Mark Leviste. Yup, nakabalik na pala siya ng bansa pagkatapos ayusin kumbaga ang relasyon nila ni Kris Aquino sa Amerika.
Update niya sa isang Viber message nang tanungin ko kung anong ginagawa niyang tulong sa pamilya ng beauty queen na taga-Batangas?
“Dumalaw ako kaninang umaga sa tahanan nila. Pinakinggan ko ang kanilang storya at nakipag-ugnayan ako sa Pulisya ng Tuy upang malaman kung ano ang latest developments sa kanilang paghahanap at pagsisiyasat,” umpisa ng message niya.
Aniya, nagbigay rin nga siya ng paunang financial support sa pamilya upang makatulong sa kanilang sitwasyon, at nag-commit din nga raw siya ng gantimpala na ?100,000 sa sinumang makakapagsabi kung saan man naroroon si Catherine.
Nasaan na kaya si Catherine?
Anyway, hindi naman magtatagal sa bansa si VG Mark dahil sa Lunes ay aalis ulit siya pa-Amerika para samahan si Kris sa pagpapagamot.
Umuwi lang daw siya para sa birthday ng anak niyang babae at sa Monday ay aalis na ulit siya. Babalik ang pulitiko sa Nov. 1 na lang daw.
Wow. Parang ang lapit lang ng Amerika.
- Latest