Piolo, inspired sa gagawin nila ni Shaina!
Tinaga nga ba ni Piolo Pascual ang Mentorque Productions nang inalok sa kanya itong film project na Mallari?
Hindi ito itinatanggi ng Kapamilya actor dahil ang hirap ng role niya sa pelikulang ito.
Sa nakaraang mediacon ni Piolo, inamin niyang nagpresyo talaga siya ng mahal para rito dahil alam niyang kailangan niya talagang paghandaan ang role ng paring pumatay ng maraming tao.
Nang ibinigay raw ng management team niya ang talent fee na parang ‘presyong ayaw’ hindi tumawad ang producer nitong si Bryan Dy ng Mentorque Productions.
“Hindi sila tumawad hahaha! Nahiya sila,” natatawa niyang pahayag sa mediacon niya nung Huwebes, Oct. 19, na ginanap sa Kao Manila ng Newport World Resorts.
“It was really mind-boggling for me. It was a bit of a stretch but it was a good exercise at the end of the day, because we were able to pull off and you know pull through because of the collective effort,” sabi pa ni Papa P.
Sabi naman ni Bryan Dy, “From the beginning po talaga hindi po talaga kami tumawad, because we know hindi po talaga ganun kadali ang pinagawa po namin sa kanya. As in alam namin ‘yun on the onset na it’s gonna be really hard na ano. So, para at least ano, you want them to be happy also,” pahayag ni Bryan na nandun din sa mediacon ni Piolo.
Hindi naman nila ni-reveal kung magkano ang eksaktong talent fee ng aktor. Pero talagang malaki raw ang budget, less than P100 million.
At hindi lang daw si Piolo ang may malaking budget dito kundi lahat na taong involved sa napakaambisyosong film project na ito.
At sobrang satisfied siya sa magandang kinalabasan nito. Sinigurado raw niya iyan sa producer kung willing ba silang gastusan nang husto ang production nito.
Kagabi lang ang concert niyang An Ultimate Night with Piolo, at pagkatapos nito ay lilipad siya pa-Amerika para sa series of concerts niya roon.
Nakatakda niyang gawin ang soap na pagsasamahan nila ni Shaina Magdayao, at inspired siya sa proyektong ito.
“Of course! Ever since, yeah!” mabilis niyang sagot sa tanong kung si Shaina nga ba ang nagbibigay inspirasyon sa kanya.
“Tingnan natin kung anong mangyayari. Kasi, of course there is pressure in the family, in the society, and she’s been friends... she’s always in our celebration. She’s always there.
“Let’s see, you know, for now I’m really busy and it’s just something that I don’t have any time for. So, I don’t wanna be unfair.
“But you know, I’m not dating anyway. So, what you see when we’re together is really how we are. I hope she’s not dating too,” dagdag niyang pahayag.
Masskara fest, dinayo ng mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid…
Ang bongga pala ng selebrasyon ng Masskara Festival sa Bacolod.
Nandun ang E.A.T. kahapon at hanggang ngayong araw ay nandun pa rin sila, with Tito Sotto, Allan K, Jose Manalo at Wally Bayola.
Hindi lang mga taga-E.A.T. kundi pati ang major cast ng FPJ’s Batang Quiapo na pangungunahan ni Coco Martin, kasama sina Lorna Tolentino, Ivana Alawi, Bassilyo, Smugglaz, at Sen. Lito Lapid.
Magkakaroon sila ng show ngayong Sabado ng 4:00 p.m. sa Ayala Malls Capitol Central, kasama ang cast members ng Pira-Pirasong Paraiso na sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Joseph Marco at KD Estrada.
Pati ang lead stars ng Love Before Sunrise ng GMA 7 na sina Bea Alonzo at Dennis Trillo ay may mall show rin ngayong hapon sa SM Bacolod Activity Center.
Ang dami pang big stars na magkakaroon ng shows, pero ang isa sa kaabang-abang bukas ay ang concert ni Sarah Geronimo, ang Coke Studio Concert with Sarah Geronimo na gaganapin sa Sunset Stage, North Capitol Road.
Sabi ni Mayor Albee Benitez, bale pangalawang taon na itong maluwag na ang pagdiriwang nila ng Masskara Festival pagkatapos ng pandemya.
“Last year, ni-relax na namin ang lahat na health protocols, October last year.
“Hindi na kami nagkaroon ng health protocols na...’di ba dati ang hirap lumabas. Pero last year, in-open na namin.
“Binigyan na namin ng permission ang lahat na mga concerts, lahat na mga shows, lahat na mga events.
“Nagkaroon nga ng revenge travelling ikanga. Kailangan na talagang lumabas, dahil hindi na nakapag-celebrate ng ganung klaseng festival.
“This year naman almost the same din. Ang nakikita ang mga events, punung-puno na rin. Ang bookings ng mga hotels ganundin, just like last year, 100 percent na ang booking. HIndi na nila mabigyan ng booking ang mga gusto pa ring pumunta,” masayang pahayag ng Bacolod Mayor Albee Benitez.
- Latest