Inay Marya nanahimik sa mabilis na pagkatsugi sa pira...
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga bida ng Pira-Pirasong Paraiso sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang natatanging pagganap matapos magpaalam ang kanyang karakter para sa kanyang special participation sa Kapamilya afternoon serye.
Ibinahagi nina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Loisa Andalio ang kanilang tuwa na makatrabaho si Maricel na para sa kanila ay “dream come true.”
“Sobrang saya po namin na nakasama ka namin dito sa aming munting paraiso. Nakatawanan, nakatrabaho, at higit sa lahat nayakap namin nang buong-buo ang isang Diamond Star,” ani Elisse.
Para kay Alexa, priceless ang on-and-off cam moments nila kasama si Inay Marya. “Isa po sa mga bucket list wish ko ay makatrabaho kayo at masaya ako na nangyari na. Ipagmamalaki ko talaga ‘to. Thank you sa mga wisdom na binigay niyo at ipinasa sa amin,” sabi niya.
“Sobrang saya ko po na nakatrabaho ko na po kayo. Sana hindi pa po ito ang huli. Forever ko po itong tatanawin na isang karangalan na naka-work kayo at nakaeksena ko na kayo,” pasasalamat naman ni Charlie.
Forever grateful din si Loisa sa “once in a lifetime opportunity” na makasama ang Diamond Star. “Maraming salamat po sa pag-oo na makasama kami, isang karangalan po. We love you,” sabi niya.
Nag-viral sa social media ang ilang emosyonal na eksena sa serye kung saan nagbitiw ng masasakit na salita sa isa’t isa ang mga karakter nina Maricel, Elisse, Alexa, Charlie at Loisa.
Maraming nahiwagaan sa mabilis na pagbabu ni Inay Marya sa programa pero walang gustong magsalita kung bakit.
But anyway, baka nga meron valid reason si Inay Marya at ang production para hindi siya nagtagal sa nasabing serye.
- Latest