Coco, nagpa-block screening para kay Julia!

Coco at Julia
STAR/ File

Nag-trending ang pelikulang Five Breakups And A Romance nina Alden Richards at Julia Montes sa opening day nito sa 231 cinemas nung Miyerkules.

All-out ang suporta ng fans at malalapit na kaibigan ng dalawang bida, dahil may mga ini-schedule silang mga block screening.

Dinaluhan ito nina Julia at Alden para magpasalamat sa lahat na sumuporta.

May isa pang block screening na dinaluhan ng mga taga-Sparkle tulad nina Barbie Forteza, Royce Cabrera, Althea Ablan, Gil Cuerva, Lexi Gonzales at Bryce Eusebio.

Kahit si Coco Martin ay nag-sponsor ng isang block screening at napangiti na lang si Julia na tila kinilig nang nagpa-thank you ang host kay Tanggol ng Ang Batang Quiapo.

Hindi lang ibinigay ng a­ming reliable source ang eksaktong figures pero mahigit P3M daw ang kinita sa first day of showing nito.

Inaasahang mag-pick up pa sa gabi, pero hindi ito nangyari.

Maaring naubos na ang suweldo ng karamihan. Kaya tingnan natin sa weekend o hanggang sa araw ng suweldo.

Pero babalik uli sa weekend ang Eras Tour concert movie ni Taylor Swift, kaya posibleng maapektuhan ito.

Samantala, hindi maiwasang ikumpara itong Five Breakups... sa A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo dahil sa magkasunod ang showing ng dalawang pelikula.

May ilang fans ni Kathryn na nagpu-post sa X na ang A Very Good Girl pa rin ang pinakamalakas na pelikula magmula nang magka-pandemic.

Naglabas sila ng numero ng mga sinehang pinagpalabasan ng naturang pelikula bawat linggo.
Wala namang kumokontra na ang pelikula pa rin ni Kathryn ang pinakamalakas ngayong taon, kahit ito ang pinakamababa sa mga pelikula niya.

Sino kina Kathryn at Julia ang mas magaling sa kani-kanilang pelikula?

Kung ako ang pipili, mas lamang ang Five Breakups... at napakagaling ni Julia sa pelikulang ito.

Etiquette for Mistresses, bubuhayin sa anthology

Sa susunod na buwan na ang Eddys awards ng grupong SPEEd o Society of the Philippine Entertainment Editors, at maaaring makakasabay nito ang Urian Awards.

Isa sa excited sa awarding nito ang taga-Rein Entertainment na sina direk Lino Cayetano, direk Shugo Praico, direk Philip King at ang Managing Producer nilang si Ms. Charm Guzman.

Marami silang 11 nominations sa pelikulang Nanahimik ang Gabi at sabi nga ni direk Lino, malapit sa kanila ang taga-SPEEd.

Lalo raw kasi silang na-challenge nang inihanay sila sa Rising Producer Circle ng naturang award-giving body.

Kaya patuloy sila sa pag-produce ng magagandang pelikula.

Katatapos lamang nila ng pelikulang Elevator na pinagbidahan nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa. Co-production nila ito sa Viva Films at Cineko Productions.

Pero ang isa pa sa pinaghahandaan nila ngayon ay ang series na hango sa librong Etiquette For Mistresses ni Julie Yap-Daza.

Hindi raw ito katulad ng pelikula ni direk Chito Roño. “Malayo ito sa film ni Direk Chito. Ang kuwento, anthology. Every episode, ibang mag-asawa saka ibang mistress,” pakli ni direk Lino nang naka-lunch namin sa kanilang tanggapan ng Rein Entertainment nung nakaraang Miyerkules.

Interesting din daw ang isa pang inaayos nilang project na horror film, na Careta­kers ang title.

Kailangan daw nila ng dalawang magaling na aktres na magiging bida sa film project na ito.

“Acting piece din siya. Lahat ng dinirek ni Shugo, nananalong best actor, e,” sambit ni Direk Lino.

“Kasi, sa Bagman, nanalo si Arjo. And then after nun, Nanahimik Ang Gabi. si Ian (Veneracion), Heaven (Peralejo), Mon (Confiado), nanalo.

“So itong pangatlo, really ensemble. Dalawang pamilya. ‘Yung Caretakers, mga nagbabantay ng bahay.

“And then we’re likely working with Regal. Kasi ‘yung Rein talaga, parang we like to collaborate,” dagdag na pahayag pa ni direk Lino.

Show comments