AJ kinasuhan na rin dahil sa pagpapa-sexy?!
Kinasuhan na rin ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) kaugnay sa diumano’y ‘cybercrime violations in relation to obscene publication’ ang karelasyon ni Aljur Abrenica na si AJ Raval.
Nauna na nilang kinasuhan ng ganito ang sexy star na si Angeli Khang.
Bukod kay AJ, idinemanda rin nila ang mga kasamahan nina Angeli at AJ sa Vivamax na sina Ayanna Misola at Azi Acosta.
Sinabi ni KSMBPI legal counsel Atty. Mark Tolentino ang tungkol dito sa isang Facebook statement.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang statement ang mga Vivamax star.
Pero ang isang sigurado, ‘arrived’ na talaga sila dahil sa nasabing demanda.
Nauna na rin nilang kinasuhan sina Vice Ganda, Ion Perez, and vlogger Toni Fowler.
Pero ang hindi binabanggit ng kanilang abogado ay kung anu-anong mga programa ng mga miyembro ng KSMBPI sa social media.
- Latest