^

PSN Showbiz

Luis Manzano nag-'sign language' sa PWD sa noontime show, umani ng papuri

James Relativo - Philstar.com
Luis Manzano nag-'sign language' sa PWD sa noontime show, umani ng papuri
Kuha kay Luis Manzano habang kinakausap ang studio guest na si "Lester"
Video grab mula sa Facebook page ng ABS-CBN

MANILA, Philippines — Umani ng papuri ang TV host na si Luis Manzano matapos magpamalas ng "Inclusivity" sa persons with disability (PWD) sa bagong Kapamilya gameshow na "It's Your Lucky Day."

Ang isa kasing miyembro ng live audience na hirap makarinig, biglaang kinausap siya ng aktor gamit ang "sign language."

"Kasi gusto ko lahat ng 'Ka-Lucky' natin involved," paliwanag ni Luis, na kilala rin sa palayaw na Lucky, ngayong Lunes.

"May tumatawag sa akin kanina pa na Ka-Lucky natin na kung hindi ako nagkakamali ay medyo may konting problema po sa pandinig."

Nabigyan naman ng P1,000 ang lucky audience member matapos magpamalas ng talento sa pagsayaw.

Ikinatuwa naman ng netizens ang ginawa ni Luis, lalo na't bibihira ang mga marunong makipag-usap sa mga may kapansanan.

Unang nang nagbiro si Luis na ito na ang "dalawang huling linggo" ng palabas, na kadalasang naririnig kapag nagwawakas ang mga teleserye.

Pansamantalang umeere ang "It's Your Lucky Day" matapos patawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12 araw na suspensyon ang noontime show na "It's Showtime."

Dahil pa rin ito sa kontrobersyal na pagkain ng icing ng cake nina Vice Ganda at Ion Perez sa July 25 episode ng programa.

ABS-CBN

IT'S SHOWTIME

LUIS MANZANO

PERSONS WITH DISABILITY

SIGN LANGUAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with