Beauty queen na si Catherine Camilon, nawawala!

Catherine Camilon

OMG pinaghahanap kahapon sa ‘social media’ si Catherine Camilon, Miss Grand Philippines 2023 candidate.

‘Di ko lang sure kung nai-report na ito sa kapulisan, pero sa social media ay kalat na kalat na nawawala ang beauty queen dahil sa post ng kapatid nito. “Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan, pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi,” ayon sa kapatid nitong si Chin-chin.

Twenty six years old ito at pinakita nila ang plate number (NEI 2990 - Nissan Juke) ng kotse nito.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang update kung hindi pa rin siya nahahanap.

Show comments