Hollywood film ni Liza, tuloy ang showing!

Liza, Henry at Joey
STAR/ File

Makabangon kaya ang career?

Mapapanood na pala ang Hollywood debut film ni Liza Soberano na Lisa Frankenstein na nakatakda raw ipalabas sa mga sinehan next year.

“it’s giving unliving.? LISA FRANKENSTEIN only in theaters 2.9.24.

“written by diablo cody & directed by @zeldawilliams,” ang nakalagay sa social media page ng nasabing pelikula.

Mabilis namang nagsaya ang fans ni Liza “Been waiting for so long. It’s Liza Soberano’s Hollywood debut movie and we are excited to watch it,” ayon sa isang follower

Starring sa Lisa Frankenstein sina Kathryn Newton, Cole Sprouse, Henry Eikenberry, Joey Harris, among others.

Last August nang kumalat ang inclusion ni Liza sa Lisa Frankenstein. Ginagampanan niya ang character ni Taffy, stepsister sa karakter ni Kathryn Newton.

Ayon sa website ng pelikula, ito ay tungkol sa “coming of RAGE love story from acclaimed writer Diablo Cody (Jennifer’s Body) about a misunderstood teenager and her high school crush, who happens to be a handsome corpse. After a set of playfully horrific circumstances bring him back to life, the two embark on a murderous journey to find love, happiness…and a few missing body parts along the way.”

Nauna nang inamin ni Liza na tatlong buwan na siyang nakabase sa Manila at naka-hold ang kanyang Hollywood career dahil sa patuloy na welga ng mga entertainment worker.

Lalo na raw at member siya ng Screen Actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists na isa sa mga grupong nangunguna nga sa ginaganap na strike.

Kasama sa pinaglalaban ng mga nagwewelga ang isang panukala na makibahagi sa kita ng mga streaming platform.

Kaya raw ayon kay Liza ay nag-e-explore siya ng opportunities sa Korea.

At parampa-rampa sa mga fashion show.

Pero makatulong kaya ito para makabangon ang career ni Liza?

Show comments