‘Di maka-move on sa ginawa
In all fairness trending at nanguna sa X (dating Twitter) nationwide ang It’s Your Lucky Day na pumalit pansamantala sa It’s Showtime sa loob ng 12 araw, na kinabibilangan nina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros at Jennica Garcia noong Sabado (Oktubre 16).
Bongga nga ang unang araw ng programa dahil bukod sa show pati kina Luis, Robi, Melai, at Jennica ay nasa trending list din ang mga kasama nila na sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Shaina Magdayao.
Binati at pinasalamatan naman nila ang buong pamilya ng It’s Showtime sa pagbibigay suporta ng mga ito sa kanila.
Pampapaswerte ang segments nila, Pang-Ma-Luck-Cashan, Luckyng Kalye, Lucky Pick, Pot Luck, at Stars for All Season.
Meron ding Pang-Ma-Luck-Cashan, kung saan sampung mapalad na studio audience members ang pwedeng manalo ng cash prizes.
Diskarte naman ang kailangan para sa Lucky Pick kung saan pipili ang mga napiling audience member ng kanilang lucky weapon para sa Hamon of the Day at talino ang gagamitin ng ilang studio contestants sa Pot Luck para sagutin ang mga nakahandang tanong
Kaya naman, bidang-bida actually si Lucky.
Samantala, abangan din sa susunod na mga araw ang iba pa nilang hosts na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri pati na ang kanilang surprise guests.
Anyway, basag naman kaagad si Jennica sa programa dahil sablay siya sa blocking. “FIRST DAY MO SA WORK PERO NANGAMOY LAST DAY MO NA RIN,” post niya.